2023
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, para sa Maliliit na Bata
Disyembre 2023


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Dis. 2023, 49.

Bagong Tipan

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata

Larawan
alt text

Para sa Apocalipsis 1–5

Hilingin sa isang tao na lumabas at kumatok sa pinto ninyo sa harapan. Tulungan ang inyong mga musmos na buksan ang pinto, batiin ang taong kumatok, at magiliw silang papasukin. Pag-usapan kung paano natin maaaring malugod na tanggapin si Jesucristo sa ating buhay kapag iniisip natin Siya.

Para sa Apocalipsis 6–14.

Buklatin sa pahina 22 para makita ang iba pang mga bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ipaliwanag na mahal ni Jesucristo ang lahat ng mga bata at nais Niyang sumunod sila sa Kanya. Nagpapadala Siya ng mga missionary sa iba’t ibang panig ng mundo para magturo tungkol sa Kanya.

Para sa Pasko

Sabihin kung paano nagbigay ng mga regalo ang mga Pantas kay Jesucristo. Hilingin sa inyong mga musmos na maghanap ng isang bagay na mahalaga sa kanila. Pagkatapos ay tulungan silang isadula ang bahagi ng mga Pantas sa kuwento ng Nativity o Pagsilang ni Jesus (tingnan sa Mateo 2:9–11). Sabihin sa kanila na isiping ibigay kay Jesucristo ang kanilang regalo.

Para sa Apocalipsis 15–22.

Ituro sa inyong mga musmos kung paano natin maaaring purihin ang Ama sa Langit at si Jesus sa pagkanta tungkol sa Kanila. Maghalinhinan sa pagpili ng isang awitin sa Primary na sama-samang kakantahin o pakikinggan.

Print