2023
Pagganap sa Ating Bahagi
Disyembre 2023


“Pagganap sa Ating Bahagi,” Kaibigan, Dis. 2023, 14–15.

Pagganap sa Ating Bahagi

Larawan
alt text

Nagtanghal ng isang dula ang mga batang Primary sa Chimaltenango Department, Guatemala, tungkol sa pagsilang ni Jesucristo! Gumanap ng mga bahagi ang ilang bata mula sa kuwento ng Pagsilang ni Cristo. Ang iba naman ay gumanap bilang mga propeta sa Aklat ni Mormon na nagsabing isisilang si Jesus.

Ang Propetang si Alma

Larawan
alt text

Ako ang propetang si Alma. Gumanda ang pakiramdam ko dahil alam ko na ibinalita ng mga propeta ang pagsilang ni Jesucristo.

Ethan C., edad 6

Maria

Larawan
alt text

Ako ang gumanap na Maria. Siya ang ina ni Jesus. Ipinanganak niya si Jesus sa kuwadra.

Danna M., edad 9

Jose

Larawan
alt text

Ako ang gumanap na Jose. Naghanap kami ng isang lugar kung saan puwedeng isilang ang sanggol na si Jesus.

Kenneth M., edad 8

Pastol

Larawan
alt text

Ako ang gumanap na pastol. Nalaman ko ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos sa pagsusugo ng Kanyang Anak.

Lester M., edad 10

Ang Bituin

Larawan
alt text

Ako ang bituin. Ginabayan ko ang mga Pantas papunta sa sanggol na si Jesus.

Skarleth X., edad 6

Pantas

Larawan
alt text

Isa ako sa mga Pantas na humayo para makita si Jesus. Ang pagganap sa bahaging ito ay nagpadama sa akin ng kapayapaan at pagmamahal at malaking kagalakan!

Jeremy C., edad 9

Print