2023
Dahil kay Jesus
Disyembre 2023


“Dahil kay Jesus,” Kaibigan, Dis. 2023, 32.

Kaibigan sa Kaibigan

Dahil kay Jesus

Hango mula sa “Pinakadakilang Regalo ng Pasko,” (Pamaskong debosyonal ng Unang Panguluhan, Dis. 4, 2022), Gospel Library.

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Brooke Smart

Sa Portugal, maraming taong nagtatayo ng tagpo sa pagsilang ni Jesucristo. Makikita ninyo ang mga Nativity scene sa buong bansa sa Pasko.

Noong bata pa ako, gustung-gusto kong itayo ang Nativity. Sa bawat Pasko, inilabas namin ang isang kahon na yari sa kahoy. Puno iyon ng maliliit na pigurin ng mga tao, bahay, magsasaka, at hayop. Nakahanap kami ng mga sariwang lumot, dayami, at bato para gumawa ng maliliit na burol, lambak, puno, at parang. Gumamit pa nga kami ng mga piraso ng salamin para magmukhang mga ilog at batis.

Itinatayo namin ang set sa loob ng ilang araw o linggo, nang paisa-isang piraso. Ang pinakamahalagang bahagi ay ang pagdaragdag ng mga tao mula sa kuwento sa banal na kasulatan. Inilagay namin sa gitna si Maria, si Jose, ang mga pastol, anghel, at iba pa at nagkuwento kami tungkol sa kanila.

Pagsapit ng Araw ng Pasko, inilagay namin ang pigurin ng sanggol na si Jesus sa sabsaban. Pagkatapos ay nagkuwento kami tungkol kay Jesucristo. Pinag-usapan namin kung paanong Siya ang pinakadakilang regalo sa lahat dahil sa ginawa Niya para sa atin. Binibigyan Niya tayo ng kapayapaan at pag-asa. Tinutulungan Niya tayong malaman kung sino tayo at bakit tayo narito. Ginagabayan at pinapanatag Niya tayo.

Dahil kay Jesus, maaari nating ibahagi ang ating liwanag. Maaari tayong magpakita ng pagmamahal, kabaitan, at maglingkod sa iba, kahit pakiramdam natin ay halos wala tayong gaanong maibibigay.

Print