2023
Binisita ng mga Pastol ang Sanggol na si Jesus
Disyembre 2023


“Binisita ng mga Pastol ang Sanggol na si Jesus,” Kaibigan, Dis. 2023, 46–47.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Binisita ng mga Pastol ang Sanggol na si Jesus

Larawan
Alt text

Mga larawang-guhit ni Apryl Stott

Isang gabi, binisita ng isang anghel ang mga pastol sa isang parang. Ibinalita ng anghel sa kanila na isang mahalagang sanggol ang isinilang. Ang pangalan Niya ay Jesucristo. Siya ang magiging Tagapagligtas para sa lahat ng tao sa mundo. May dumating na iba pang mga anghel. Kumanta sila ng, “Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.”

Larawan
Alt text

Nagmadaling bumisita ang mga pastol sa sanggol na si Jesus. Masayang-masaya silang makita Siya!

Larawan
Alt text

Ibinalita ng mga pastol sa iba ang tungkol kay Jesucristo. Gusto nilang marinig ng lahat ang mabuting balita.

Print