2023
Pagsunod kay Jesus sa New Zealand
Disyembre 2023


“Pagsunod kay Jesus sa New Zealand,” Kaibigan, Dis. 2023, 16–17.

Pagsunod kay Jesus sa New Zealand

Kilalanin sina Tarnae at Nephi!

Tungkol kina Tarnae at Nephi

Larawan
alt text
Larawan
alt text

Mga edad: 12 at 9

Mula sa: Hawke’s Bay, New Zealand

Mga Wika: English, Māori

Mga mithiin at pangarap: Magmisyon, magpunta sa Tokyo, at maging fighter pilot (Tarnae). Magmisyon, magpunta sa New York, at bungee jump (Nephi).

Pamilya: Tarnae, Nephi, Inay, Itay, limang kapatid na lalaki, isang kapatid na babae

Paano Nila Sinusunod si Jesus

Larawan
alt text

Naghahanda si Tarnae na makapunta sa templo para magsagawa ng mga binyag. Nakakita ng impormasyon ang kanyang nan (lola) tungkol sa ilang ninuno para makapagpabinyag siya para sa kanila. “Sabik talaga akong makapasok sa templo,” sabi ni Tarnae. “Karangalan kong tumulong na gawin ang gawain para sa aking mga ninuno.”

Nang mabinyagan ang pinsan nila, nagpatotoo si Nephi. Nagkuwento si Nephi sa mga dumalo sa binyag tungkol kay Jesucristo. “Alam ko na mahalagang ibahagi ang aking patotoo para mapalakas ang iba,” sabi ni Nephi.

Mga Paborito Nila

Larawan
alt text

Ang paboritong kuwento ni Nephi sa banal na kasulatan ay tungkol sa pagpapakain ni Jesus sa limang libong tao. Si Tarnae naman ay tungkol sa binyag ni Jesus.

Ang paborito nilang lugar ay ang Tongariro National Park, kung saan sila nakakita ng niyebe sa unang pagkakataon

Ang paboritong prutas ni Nephi ay pinya. Ang kay Tarnae naman ay mga orange.

Ang paboritong kulay ni Tarnae ay lila. Ang paboritong kulay ni Nephi ay pula.

Ang paboritong subject ni Nephi sa paaralan ay pagbabasa at ang kay Tarnae naman ay sining.

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Carolyn Vibbert

Print