2023
Dula Tungkol sa Pagsilang ni Jesus
Disyembre 2023


“Dula tungkol sa Nativity,” Kaibigan, Dis. 2023, 26–27.

Dula Tungkol sa Pagsilang ni Jesus

Gamitin ang script na ito para ikuwento ang pagsilang ni Jesucristo.

Larawan
alt text

Larawang-guhit ni Simini Blocker

Tagabasa: Isang gabi sa Bethlehem, kinailangan nina Maria at Jose ng matutuluyan. Malapit nang manganak si Maria. Ang magiging sanggol niya ay si Jesucristo, ang Tagapagligtas ng Mundo.

[Lilipat sina Jose at Maria sa katiwala ng bahay-panuluyan.]

Jose: Pakiusap. Kailangan namin ng ligtas na lugar na matutuluyan ngayong gabi.

Katiwala ng bahay-panuluyan: Wala kaming bakanteng kuwarto. Pero kung gusto mo, puwede kayo sa kuwadra kasama ng mga hayop.

[Lilipat sina Jose at Maria sa kuwadra.]

Tagabasa: Ipinanganak ni Maria ang sanggol na si Jesus sa kuwadra.

[Hahawakan ni Maria ang sanggol na si Jesus.]

Tagabasa: Sa mga kalapit na parang, nakabantay ang mga pastol sa kanilang mga tupa.

[Tatayo ang mga pastol sa tabi ng mga tupa.]

Tagabasa: Dumating ang isang anghel sa mga pastol. Noong una, natakot ang mga pastol.

[Lilipat ang anghel sa mga pastol.]

Anghel: “Huwag kayong matakot. Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon ang isang Tagapagligtas, na si Cristo, ang Panginoon.

Tagabasa: Sinabi ng anghel sa mga pastol na makikita nila ang sanggol na si Jesus na nakahiga sa isang sabsaban. Dumating ang iba pang mga anghel at nagkantahan. Pagkatapos ay nagpunta ang mga pastol sa kuwadra sa Bethlehem.

[Lilipat ang mga pastol kina Maria, Jose, at sa sanggol na si Jesus.]

Pastol: Siya ang ating Tagapagligtas. Dapat natin itong ibalita sa lahat!

[Iiwan ng mga pastol sina Maria, Jose at ang sanggol na si Jesus.]

Tagabasa: Nalaman din ng mga Pantas ang tungkol sa sanggol na si Jesus. Sinundan nila ang isang bituin para matagpuan Siya.

[Hahawakan ng tagabasa ang bituin. Susundan ng mga Pantas ang bituin papunta kina Maria, Jose, at sa sanggol na si Jesus.]

Tagabasa: Sinamba ng mga Pantas si Jesus.

Pantas: Sinabi sa mga banal na kasulatan na darating Siya balang-araw. May dala kaming mga regalo para sa aming Hari.

Tagabasa: Ngayong Pasko, maaari din nating regaluhan si Jesus. Maaari natin Siyang mahalin. Maaari tayong maglingkod sa iba. Maaari nating ibahagi ang Kanyang liwanag sa sanlibutan!

Print