2023
Hello mula sa New Zealand
Disyembre 2023


“Hello mula sa New Zealand!” Kaibigan, Dis. 2023, 18–19.

Hello mula sa New Zealand!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Larawan
alt text

Ang New Zealand ay isang bansang isla sa Pacific Ocean. Mga 5 milyong tao ang naninirahan doon.

Mga templo

Larawan
alt text

Ang New Zealand ay may isang templo, at may dalawa pang itinatayo! Ang Hamilton New Zealand Temple ang unang templong itinayo sa katimugang bahagi ng mundo.

New Zealand Christmas Tree

Larawan
alt text

Ang pōhutukawa tree ay may mga pulang bulaklak na namumukadkad lamang sa panahon ng tag-init sa Kapaskuhan. Ginagamit ng mga tao ang mga bulaklak para magdekorasyon sa Pasko.

Mga Wika

Larawan
alt text

Ang mga opisyal na wika ng New Zealand ay English, Māori, at New Zealand Sign Language. Māori ang wika ng mga unang taong dumating sa New Zealand.

Hāngī

Larawan
alt text

Kung minsa’y niluluto ng mga Māori ang kanilang pagkain sa isang hāngī. Naglalagay sila ng mga basket ng karne at gulay sa ibabaw ng maiinit na mga bato sa isang hukay sa lupa. Pagkatapos ay tinatakpan nila ito at hinahayaan itong maluto.

Mga Penguin

Larawan
alt text

Ang pinakamaliit na penguin sa mundo, ang maliit na blue penguin, ay naninirahan sa New Zealand at Australia. Marami pang ibang mga penguin na naninirahan din sa baybayin ng New Zealand!

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Natalie Briscoe

Print