2023
Mga Costume sa Nativity
Disyembre 2023


“Mga Costume sa Nativity,” Kaibigan, Dis. 2023, 38–39.

Masasayang Bagay

Mga Costume sa Nativity

Maaari kayong magtanghal ng isang dula para ikuwento ang pagsilang ni Jesus. Narito ang ilang costume na maaari ninyong gawin. Gamitin ang iskrip sa pahina 26 para sa inyong dula.

Maskara ng Tupa

Larawan
alt text

Gumawa ng ilang tupa na makakasama ng inyong mga pastol!

  1. Gumupit ng isang bilog na kasinlaki ng inyong mukha sa isang paper plate. (Tip: Itupi nang kaunti ang plate para magsimulang gumupit sa gitna.)

  2. Gupitin ang bilog sa gitna. Iteyp ang mga piraso sa plate para makagawa ng mga tainga.

  3. Dikitan ng cotton balls ang paligid ng paper plate. (Maaari din kayong gumamit ng popcorn o marshmallows sa halip na cotton balls!)

  4. Opsyonal: Magdikit ng isang craft stick sa ilalim ng plate para gamiting hawakan.

Korona ng Pantas

Larawan
alt text

Gumawa ng mga korona para sa mga Pantas.

  1. Pinturahan o kulayan ang harap at likod ng isang paper plate. Patuyuin ang pintura. Pagkatapos ay itupi ang paper plate sa gitna.

  2. Gumamit ng gunting para gupitin ang gitna ng paper plate sa apat na bahagi. (Huwag gupitin nang tuluyan hanggang gilid!)

  3. Ibuka ang paper plate. Itulak ang mga tulis pataas para magmukhang korona. Pagkatapos ay dekorasyunan iyon ayon sa gusto ninyo!

Headband na May Bituin

Isuot ito sa ulo ninyo para magsilbing bituin na umakay sa mga Pantas papunta kay Jesus.

  1. Gupitin ang gitna ng isang paper plate para ang rim lang ang matira sa inyo.

  2. Magdrowing ng hugis-bituin sa isang makapal na papel.

  3. Gupitin ang bituin at idikit ito sa rim para tumayo ito.

Mga Tainga ng Asno

Gawin ang mga taingang ito para sa asnong sinakyan ni Maria papasok ng Bethlehem.

  1. Gumupit ng mahabang strip ng papel. Iteyp ang mga dulo para makagawa ng singsing na kasinlaki ng ulo ninyo.

  2. Gumupit ng dalawang hugis ng tainga ng asno mula sa isang papel.

  3. Pinturahan o kulayan ng kulay-abo o brown ang mga tainga na may pink oval sa gitna.

  4. Iteyp ang mga tainga sa loob ng singsing na papel.

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Melissa Manwill Kashiwagi

Print