“Isa pang Tipan ni Jesucristo,” Kaibigan, Ene. 2024, 24–25.
Alamin ang tungkol sa Aklat ni Mormon
Isa pang Tipan ni Jesucristo
Ang Aklat ni Mormon ay isang aklat ng banal na kasulatan. Tulad ng Biblia, itinuturo nito sa atin ang iba pa tungkol kay Jesucristo. Kaya nga ito tinatawag na “isa pang tipan ni Jesucristo.”
Ang Aklat ni Mormon ay may mga kuwento tungkol sa mga propetang nagturo na si Jesucristo ay paparito sa lupa. Nakasaad din dito kung paano Siya dumalaw sa mga lupain ng Amerika matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli at nagturo sa mga tao roon. Itinuturo nito sa atin kung paano rin natin Siya masusunod.
Mahal ka ni Jesus at tutulungan ka Niya. Ito ay isang mahalagang mensahe ng Aklat ni Mormon.
Paghahanap sa Banal na Kasulatan!
-
Ano ang unang aklat ng Aklat ni Mormon?
-
Ano ang mga pangalan ng ina at ama ni Nephi?
-
Sino ang magkakapatid sa pamilya ni Nephi sa simula ng Aklat ni Mormon?
Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!
Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
-
Linggo 1: Moroni 10:3–5
-
Linggo 2: 1 Nephi 2:2–7, 16, 19–20
-
Linggo 3: 1 Nephi 10:17–19
-
Linggo 4: 1 Nephi 15:23–25