Kaibigan
Paano Maging Maligaya
Pebrero 2024


“Paano Maging Maligaya,” Kaibigan, Peb. 2024, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Paano Maging Maligaya

Hango sa “Joy and Mercy,” Ensign, Nob. 1991, 73–75; at “Saan Ito Hahantong?” Liahona, Mayo 2019, 60–62.

Alt text

Mga larawang-guhit ni Audrey Day

Itinuro ng propetang si Lehi na “ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan” (2 Nephi 2:25). Nilikha tayo ng Ama sa Langit para magkaroon ng kagalakan. Nais Niyang bumalik tayo sa Kanya. Nais Niyang maging maligaya tayo sa buhay na ito.

Paano tayo naghahangad ng kaligayahan o kagalakan? Inanyayahan ni Haring Benjamin ang kanyang mga tao na “isaalang-alang ang pinagpala at maligayang kalagayan ng mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Sapagkat masdan, sila ay pinagpala sa lahat ng bagay” (Mosias 2:41).

Mahal kayo ng Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Ang plano Nila para sa atin ay ang “dakilang plano ng kaligayahan” (Alma 42:8). Inaakay tayo ng planong iyan at ng Kanilang mga utos patungo sa pinakamatinding kaligayahan at kagalakan.

Hinihimok ko ang bawat isa sa inyo na hangarin ang kagalakang nagmumula sa pagsunod sa mga utos ng Diyos.

Masasayang Pagpili

Itinuro ni Pangulong Oaks na ang kagalakan ay nagmumula sa pagsunod sa mga kautusan. Magdrowing ng isang mukhang nakangiti sa tabi ng bawat mabuting pagpili at ng isang mukhang nakasimangot sa tabi ng bawat maling pagpili. Ano ang isang mabuting pagpiling nagawa na ninyo?

alt text