“Ang Malakas na Boses ni Eric,” Kaibigan, Peb. 2024, 18–19.
Ang Malakas na Boses ni Eric
Ang kuwentong ito ay nangyari sa Ghana.
Ako ay anak ng Diyos, dito’y isinilang …
Ang lakas ng boses mo, Eric.
Para sa akin, magandang boses iyan.
Salamat! Gusto ko pong matutong kumanta nang mas mahusay.
Nang sumunod na linggo …
May regalo ako para sa iyo. Isang imnaryo ito para matutuhan mo ang iba pang mga awitin sa Simbahan.
Wow! Salamat po.
Turuang lumakad sa liwanag …
Pag-asa ng Israel, Katotohana’y taglay …
Katatawag lang ni Sister Kaku. Nagtanong siya kung gusto ninyong dalawa na kumanta sa koro para sa stake conference.
Opo!
Masayang-masaya kaming makasama kayo sa ating koro!
Salamat po!
Gustung-gusto po naming kumanta tungkol kay Jesus.
Ang galing ninyo.
Nagpapasaya po sa akin ang pagkanta. Nagpapasaya rin po ito kay Jesus.