Kaibigan
Si Nephi ay Gumawa ng Isang Sasakyang-dagat
Pebrero 2024


“Si Nephi ay Gumawa ng Isang Sasakyang-dagat,” Kaibigan, Peb. 2024, 24–25.

Alamin ang tungkol sa Aklat ni Mormon

Si Nephi ay Gumawa ng Isang Sasakyang-dagat

alt text

Inutusan ng Panginoon si Nephi na gumawa ng isang sasakyang-dagat para makapaglayag ang kanyang pamilya papunta sa lupang pangako. Ang tatlo sa mga bagay na kinailangan ni Nephi para magawa ang sasakyang-dagat ay ang mga kagamitan, kasipagan, at pananampalataya sa Diyos (tingnan sa 1 Nephi 17:7–16; 18:1–4).

Mga Kagamitan. Nanalangin si Nephi para malaman kung saan niya matatagpuan ang mga tamang materyales para makagawa ng mga kagamitan. Tinulungan siya ng Panginoon na makahanap ng mga batong may mahalagang mineral (metal) na tutunawin para magawang mga kagamitan.

alt text

Kasipagan. Kinailangan ni Nephi na mangalap ng mga kahoy para magawa ang kanyang sasakyang-dagat. Malaking trabaho ang kailangan para buhatin at putulin ang mga kahoy!

alt text

Pananampalataya sa Diyos. Nanampalataya si Nephi na ipapakita sa kanya ng Diyos kung ano ang gagawin. Nanalig siya na tutulungan siya ng Diyos. Nanalig din si Nephi na aakayin ng Diyos ang kanyang pamilya papunta sa lupang pangako.

Hamon sa Banal na Kasulatan

  • Gaano tumagal ang bagyo bago kinalag nina Laman at Lemuel ang gapos si Nephi? (Hint: 1 Nephi 18:15)

  • Itinuro ni Jacob kung paano gumawa ng sarili nating mga pagpapasiya. Ano ang tawag dito? (Hint: 2 Nephi 2, heading ng kabanata)

  • Sinong propeta mula sa Lumang Tipan ang binanggit ni Jacob sa 2 Nephi? (Hint: 2 Nephi 6:4–5)

Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!

Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa bawat linggo.

alt text
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Corey Egbert