Kaibigan
Pananatiling Matatag nang Magkakasama
Pebrero 2024


“Pananatiling Matatag nang Magkakasama,” Kaibigan, Peb. 2024, 32.

Kaibigan sa Kaibigan

Pananatiling Matatag nang Magkakasama

Mula sa isang interbyu nina Diana Evelyn Nielson at Olivia Kitterman.

alt text

Larawang-guhit ni Ola Szpunar

Nakatira ako noon sa Japan habang lumalaki ako. Kabilang ang pamilya ko sa relihiyong Buddhist, tulad ng maraming pamilya roon. Isang araw, nakilala ko ang mga missionary ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nagkaroon ako ng espesyal na damdamin tungkol sa kanila. Ninais kong maging katulad nila.

Nang sumapi ako sa Simbahan, may isa pang estudyante sa paaralan namin na miyembro ng Simbahan. Mahirap maging isa sa mga tanging miyembro. Ang ilan sa mga kaibigan ko sa paaralan ay gumawa ng masasamang pasiya, at gusto nilang gawin ko rin iyon. Nahirapan akong piliin ang tama.

Tumigil ako sa pagsisimba sa loob ng apat na buwan. Pero tuwing Linggo, tumatawag sa akin ang mga kaibigan ko sa simbahan at nagtatanong, “Kumusta ka na?” Nakatulong iyon sa akin. Isang umaga may naramdaman akong matindi. Alam kong kailangan kong magsimba noong araw na iyon. Kaya nagsimba ako. Simula noong araw na iyon, hindi na ako tumigil sa pagsisimba. Nagdesisyon akong manatili sa landas ng tipan.

Kapag nakatira ka sa isang lugar na walang gaanong mga miyembro ng Simbahan, nakakalungkot. Maaaring mahirap magkaroon ng mabubuting kaibigan. Pinahihirap ng kalungkutan na ipamuhay ang ebanghelyo. Pero maaari kang magkaroon ng sarili mong patotoo para manatili kang matatag. Nalaman ko rin na talagang nakakatulong ang magkaroon ng mga kaibigan sa simbahan na susuporta sa iyo.

Kung nalulungkot ka, magtuon sa pagsunod kay Jesucristo. Patuloy na mag-aral ng mga banal na kasulatan, magdasal, at magsimba. Hindi ka masyadong malulungkot dahil kasama mo ang Diyos.