Kaibigan
Ang Bago Kong Buddy
Pebrero 2024


“Ang Bago Kong Buddy,” Kaibigan, Peb. 2024, 39.

Mga Bata at Kabataan

Ang Bago Kong Buddy

alt text

Noong nakaraang taon, naging mithiin kong magkaroon ng mga bagong kaibigan para sa programang Mga Bata at Kabataan. Mahirap iyon dahil kilala ko na ang lahat ng kasama ko sa klase mula pa noong kindergarten. Pero ngayong taon sa ikalimang grado, sumali ako sa isang programang tinatawag na “Peer Buddies.” Sa Peer Buddies, makikipagtulungan ang mga nasa ikalimang grado sa mas maliliit na batang mahirap o mabagal matuto.

Sa unang araw ng Peer Buddies, ipinares ako sa isang maliit na batang nagngangalang Carter.* Hindi siya gaanong nagsasalita, pero gusto niya kaagad na maglaro sa mga scooter. Sumakay ako sa isa, at sinimulan niya akong habulin. Lumayo ako at pagkatapos ay hinahayaan kong maabutan niya ako palagi. Nang oras na para umalis, ang gusto ko lang ay bumalik sa gym na iyon at makipaglaro kay Carter.

Nang oras na ulit para sa Peer Buddy, naglakad ako papunta sa gym. Nang makita ako ni Carter, nagsimula siyang tumalon-talon. Napakahalaga sa akin ng sandaling iyon. Ang ibig sabihin niyon ay magkaibigan na kami.

Sinabi ni Haring Benjamin sa Aklat ni Mormon na kapag naglilingkod tayo sa iba, naglilingkod tayo sa ating Tagapagligtas. Sabi sa Mosias 2:17, “At masdan, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang inyong matamo ang karunungan; upang inyong malaman na kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Talagang masaya ako kapag naglilingkod ako kay Carter. Pero mas gumaganda ang pakiramdam ko kapag iniisip ko na tuwing naglilingkod ako kay Carter, naglilingkod ako kay Jesus. Nagpapasalamat ako sa programang Mga Bata at Kabataan na tumutulong sa atin na pagsikapang makamtan ang mga mithiin, at na tumatanggap tayo ng mga pagpapala sa pagsisikap na makamtan ang mga mithiing iyon—tulad ng paghahanap ng mga bagong kaibigan!

PDF ng Kuwento

Larawang-guhit ni Miguel Sanchez

  • Binago ang pangalan