Kaibigan
Ang Una Kong Pag-aayuno
Pebrero 2024


“Ang Una Kong Pag-aayuno,” Kaibigan, Peb. 2024, 12.

Isinulat Mo

Ang Una Kong Pag-aayuno

alt text

Noong linggo pagkaraan ng Pasko, kinausap ako ng nanay at tatay ko tungkol sa pag-aayuno sa unang pagkakataon. Ipinaliwanag ng tatay ko na nag-aayuno kami para humingi ng karagdagang tulong sa Ama sa Langit o sabihin sa Kanya na labis kaming nagpapasalamat. Nagpasiya akong mag-ayuno para bumuti ang pakiramdam ng aking bunsong kapatid dahil tinutubuan na siya ng ngipin at masama ang pakiramdam niya.

Noong gabi bago ang Linggo ng ayuno, tinulungan ako ng tatay ko na simulan ang aking pag-aayuno. Noong una’y kinabahan ako, pero tinulungan niya akong malaman kung ano ang sasabihin nang magdasal ako. Sinabi ng tatay ko na bigyang-pansin ko ang aking nadama sa buo kong pag-aayuno. Talagang maganda ang pakiramdam ko bago ako natulog.

alt text

Kinaumagahan, nagsimula akong magutom. Pero nangako ako na hindi ako kakain, kaya tinupad ko ang pangako ko sa abot-kaya ko. Sinikap ko talagang huwag magreklamo. At ginawa ko ang mga aktibidad para tulungan akong makaalam tungkol kay Jesus para hindi puro pagkain ang maisip ko. Sabay kaming nag-ayuno ng tatay ko, at nakatulong iyon nang husto.

Kalaunan, nagutom na talaga ako at kinailangan kong tapusin nang mas maaga ang pag-aayuno ko. Nalungkot ako, pero sinabi ng mga magulang ko na gusto lang ng Ama sa Langit na magsikap kami. Alam ko na mahal Niya kami at masaya ako kapag nagsisikap ako.

alt text
PDF ng Kuwento

Larawang-guhit ni Kiersten Eagan