“Ang Liahona,” Kaibigan, Peb. 2024, 26–27.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Liahona
Mga larawang-guhit ni Andrew Bosley
Pinapunta ng Panginoon si Lehi sa lupang pangako kasama ang kanyang pamilya. Pero hindi sila sigurado kung paano makarating doon.
Binigyan ng Panginoon si Lehi ng isang espesyal na kagamitan. Para itong isang kompas. Itinuro nito ang daan na dapat nilang tahakin. Tinawag nila itong Liahona.
Kapag sinunod nila ang mga kautusan, gumagana ang Liahona. Inakay sila nito sa mapagkukunan ng pagkain at tungo sa kaligtasan. Pero kapag nagtalo at sumuway sila, hindi ito gumagana.
Sinunod ng pamilya ni Lehi ang Liahona para makarating sila sa lupang pangako. Kapag pinipili natin ang tama, gagabayan din tayo ng Ama sa Langit.