Kaibigan
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Pebrero 2024


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Peb. 2024, 28–29.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Enero 29–Pebrero 4

Liahona Hints

Alt text

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Para sa 1 Nephi 16–22

Ginabayan ng Liahona ang pamilya ni Nephi papunta sa lupang pangako (tingnan sa 1 Nephi 18:21–23). Sabihin sa isang tao na magtago ng isang bagay. Halinhinang magtatanong ang lahat sa taong nagtago ng mga bagay na masasagot ng oo o hindi para sama-sama ninyong mahanap ang bagay.

Pebrero 5–11

Magkakasalungat sa Lahat ng Bagay

alt text

Para sa 2 Nephi 1–2

Itinuro ni Lehi na ang pagkakaroon kapwa ng maganda at pangit na mga sandali ay bahagi ng plano ng Diyos para sa atin sa lupa (tingnan sa 2 Nephi 2:11). Isulat ang mga salitang may kasalungat (tulad ng “matangkad” at “pandak”) sa mga piraso ng papel at ilagay ang mga iyon sa isang mangkok. Maghalinhinan sa pagbasa sa nakasulat sa mga papel. Tingnan kung sino ang pinakamabilis na makakahula sa kasalungat ng bawat salita!

Pebrero 12–18

Teamwork ng Banal na Kasulatan

alt text

Para sa 2 Nephi 3–5

Ang Aklat ni Mormon at ang Biblia ay nagtutulungan upang turuan tayo tungkol kay Jesucristo (tingnan sa 2 Nephi 3:12). Maglaro ng tungkol sa sama-samang paggawa! Sabihin sa isang tao na lamukutin at gawing hugis-bola ang mga piraso ng papel at ihagis ang mga iyon sa isang mangkok. Sabihin sa isa pang tao na sikaping pigilan na makapasok ang mga papel sa mangkok. Ngayo’y subukang ipagawa sa dalawang tao ang paghahagis ng mga papel. Kailan mas madaling ipasok ang mga papel sa mangkok?

Pebrero 19–25

Mga Biyaya ng Bolang Tumatalbog

alt text

Para sa 2 Nephi 6–10

Sinabi ni Jacob na maaari tayong maging masaya dahil sa mga pagpapalang ibinibigay sa atin ng Ama sa Langit (tingnan sa 2 Nephi 9:3). Patalbugin ang isang bola nang pabalik-balik. Kapag ikaw na ang magpapatalbog sa bola, bumanggit ng isang biyayang naibigay sa iyo ng Ama sa Langit. Magpatuloy hangga’t kaya ninyo!