“5 Paraan para Makita ang Isang Tunay na Kaibigan,” Kaibigan, Peb. 2024, 38.
Kumuha ng 5
5 Paraan para Makita ang Isang Tunay na Kaibigan
Ano ang katangian ng isang tunay na kaibigan? Ang tunay na kaibigan ay espesyal, at kung minsan, mahirap hanapin. Kung masuwerte ka, maaaring mayroon ka nang isang tunay na kaibigan. Pero kung wala pa, huwag matakot! Narito ang limang paraan para makita ang isang tunay na kaibigan. Matutulungan ka rin ng mga bagay na ito na maging isang tunay na kaibigan!
-
Susuportahan ka ng isang tunay na kaibigan. Kung masaya ka, magiging masaya siya para sa iyo. Kung malungkot ka, hindi ka pagtatawanan ng isang tunay na kaibigan—sisikapin niyang tumulong.
-
Ang tunay na kaibigan ay tapat at mapagkakatiwalaan. Maaari mo siyang pagkatiwalaan na sabihin sa iyo ang totoo, kahit mahirap iyon. Ang isang tunay na kaibigan ay hindi magsisinungaling sa iyo, o hindi ka niya sasabihang magsinungaling.
-
Ang isang tunay na kaibigan ay mabait makipag-usap sa iyo at tungkol sa iyo. Kung masaktan niya ang damdamin mo, hihingi ng paumanhin ang isang tunay na kaibigan at hindi na iyon gagawing muli.
-
Ang isang tunay na kaibigan ay makikinig sa iyo. Maingat siyang magsalita!
-
Tutulungan ka ng isang tunay na kaibigan na piliin ang tama. “Ang mga tunay na kaibigan ay hindi hinihiling sa atin na panoorin ang mga bagay, gawin ang mga bagay, o kumain, uminom, o gumamit ng mga bagay na makasasakit sa atin o sa iba,” sabi ni Elder Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol. “Ang matatalik na magkaibigan ay tinutulungan ang isa’t isa na maging pinakamabuti.”*