Library
Ano ang Nangyayari sa Loob ng mga Templo?


“Ano ang Nangyayari sa Loob ng mga Templo?” Kaibigan, Peb. 2024, 22.

Mga Temple Card

Ano ang Nangyayari sa Loob ng mga Templo?

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson

Sa templo, natututuhan natin ang iba pa tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa plano ng kaligtasan. Tumatanggap tayo ng mga ordenansa at gumagawa ng mga sagradong tipan. Magagawa rin natin ito para sa mga pumanaw nang hindi nagagawa ang mga tipang iyon. Maaari nating madama ang Espiritu Santo at matanggap ang mga sagot sa ating mga dalangin. Nangako ang mga propeta na ang pagpunta sa templo ay tutulong sa atin na tumanggap ng patnubay para sa ating buhay.

Cochabamba Bolivia Temple

  • Ito ang unang templong itinayo sa Bolivia.

  • Makikita ninyo ang isa sa pinakamatataas na estatwa ni Cristo mula sa bakuran ng templo.

  • Bago itinayo ang templo, ilang buwan nang hindi umuulan. Sa araw ng groundbreaking, bumuhos ang malakas na ulan!

Johannesburg South Africa Temple

  • Ito ang unang templong itinayo sa Africa.

  • Matapos itong itayo, nagkaroon na ng templo sa bawat kontinenteng may nakatirang mga tao.

  • Ang mga materyal na ginamit sa pagtatayo ng templo ay pinili para tumugma sa mga makasaysayang gusali sa paligid nito.

Print