“Hello mula sa Bolivia!” Kaibigan, Peb. 2024, 8–9.
Hello mula sa Bolivia!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Bolivia ay isang bansa sa South America. Mahigit 12 milyong tao ang naninirahan doon!
Wika
Ang Bolivia ay mayroong mahigit 30 opisyal na mga wika! Karamihan sa mga tao ay nagsasalita ng Spanish. Ang iba pang karaniwang wika ay ang Quechua, Aymara, at Guaraní.
Mga Zebra Helper
Nagbibihis na parang mga zebra ang mga batang manggagawa sa lungsod ng La Paz at tinutulungan ang mga tao na makatawid ng kalye nang ligtas. Bumibisita rin sila sa mga bata sa mga paaralan at ospital.
Tatlong Templo
Ang unang templo sa Bolivia ay inilaan noong 2000 sa Cochabamba. Dalawang templo pa ang kasalukuyang nakaplanong itayo, sa La Paz at Santa Cruz!
Mga Hayop sa Kagubatan
Ang isang bahagi ng Amazon rainforest ay nasa Bolivia. Doon naninirahan ang maraming hayop, kabilang na ang mga macaw, sloth, at higanteng otters.