“Pagtutulungan,” Kaibigan, Oktubre 2024, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Pagtutulungan
Hango mula sa “Nagkakaisa ang Ating mga Puso,” Liahona, Nob. 2008, 68–71.
Lahat tayo ay magkakaiba. Pero noon pa man ay hinihiling na sa atin ng mga propeta ng Panginoon na magkaroon ng pagkakaisa. Kapag nagkakaisa kayo, mahal ninyo ang isa’t isa at nagtutulungan kayo.
Ang isang paraan para magkaisa tayo ay sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal. Minsa’y lumuhod kami ng isang pamilyang binibisita ko bago matulog. Ang pinakamaliit na bata ang nagdasal. Ipinagdasal niya ang bawat tao sa pamilya sa pangalan.
Ang isa pang paraan para magkaroon ng pagkakaisa ay sa pagiging tagapamayapa. Tinutulungan ng tagapamayapa ang mga tao na makita kung ano ang magkatulad sa kanila. Kahit ang ating mga pagkakaiba ay maaaring makatulong sa atin na matuto at lumago.
Kung nagkakaisa tayo at sama-samang sumusunod sa Tagapagligtas, maaari tayong maging katulad ng nais ng Ama sa Langit na kahinatnan natin.
Puzzle na larawan ni Jesucristo
Itinuro ni Pangulong Eyring na mas marami tayong magagawa kapag nagkakaisa tayo! Gupitin sa tulduk-tuldok na linya at ibigay ang mga piraso sa bawat miyembro ng inyong pamilya. Pagkatapos ay magtulungan bilang isang team para itugma ang mga kulay at pagsama-samahin ang mga piraso.