“Tama Lang para kay Zack,” Kaibigan, Oktubre 2024, 16–17.
Tama Lang para kay Zack
Ang kuwentong ito ay nangyari sa USA.
Si Zack ay mahilig tumakbo, tumalon, at maglaro. Mayroon ding sensory processing disorder si Zack.
Para kay Zack, ang ibig sabihin niyan ay ayaw niya ng ingay. At gusto niyang pare-parehong mga bagay ang gawin niya araw-araw.
Tuwing hapon ay iyon at iyon ding laruang eroplano ang nilalaro niya.
Gabi-gabi ay iyon at iyon ding kuwento ang binabasa niya bago matulog.
At tuwing Linggo ay iyon at iyon ding silya ang inuupuan niya sa Primary.
Isang araw sa simbahan, nagpraktis ang lahat ng bata para sa programa ng Primary sa chapel. Ibang-iba ito!
Ayaw ni Zack kapag naiiba ang mga bagay-bagay.
Pinatayo siya ni Inay sa hanay sa harapan para makagalaw siya.
Tumayo sa tabi niya ang kanyang kaibigan para pagaanin ang pakiramdam niya.
Binigyan siya ng headphones ng kanyang guro para maging mas tahimik ang lahat. Pero galit pa rin si Zack.
At may naisip na ideya ang music director at ang Primary president.
Tama lang ang espesyal na trabaho ni Zack para sa kanya! Masaya siyang madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit.