“Isa-Isang Binasbasan ni Jesus,” Kaibigan, Oktubre 2024, 26–27.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Isa-Isang Binasbasan ni Jesus
Mga paglalarawan ni Andrew Bosley
Tinuruan ng mga propeta ang mga Nephita tungkol sa mga tanda ng pagkamatay ni Jesucristo. Nang Siya ay mamatay, nagkaroon ng kadiliman sa lupain sa loob ng tatlong araw. Kalaunan, narinig ng mga tao ang tinig ng Ama sa Langit na nangungusap mula sa langit.
Sabi ng Ama sa Langit, “[Masdan] ang Minamahal kong Anak” (3 Nephi 11:7). Nagpakita si Jesus sa mga Nephita. Siya ay nabuhay na mag-uli! Tinuruan Niya ng maraming bagay ang mga Nephita. Sinabihan Niya sila na magsisi at sumunod sa Kanya.
Hiniling Niya sa mga tao na dalhin ang mga maysakit sa Kanya para mapagaling. Binasbasan Niya sila.
Isa-isa rin Niyang binasbasan ang lahat ng bata. Pinaligiran ng mga anghel ang mga bata.