2024
Hello mula sa Dominican Republic!
Oktubre 2024


“Hello mula sa Dominican Republic!” Kaibigan, Oktubre 2024, 8–9.

Hello mula sa Dominican Republic!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Ang Dominican Republic ay isang islang bansa sa Caribbean. Halos 11 milyong tao ang naninirahan doon.

Wika

Magasing Kaibigan sa Spanish

Ang opisyal na wika ng Dominican Republic ay Spanish.

Unang Templo sa Caribbean

Santo Domingo Dominican Republic Temple

Isang templo ang natapos sa kabiserang lungsod ng Santo Domingo noong taong 2000. Iyon ang unang itinayo sa Caribbean area!

Isang Kakaibang Watawat

watawat ng Dominican Republic

Ang watawat ng Dominican Republic ang tanging watawat ng bansa na may nakatatak na Biblia. Ang Biblia ay nasa gitna ng watawat.

Balyenang Humpback

Balyenang humpback

Libu-libong balyenang humpback ang lumalangoy patungong baybayin ng Dominican Republic bawat taon. Ang mainit na tubig ay isang perpektong lugar para isilang nila ang kanilang mga anak.

PDF

Mga larawang-guhit ni Stephanie Mackay