“5 Paraan para Makagawa ng Family History,” Kaibigan, Oktubre 2024, 39.
Kumuha ng 5
5 Paraan para Makagawa ng Family History
-
Alamin ang mga kuwento tungkol sa iyong pamilya. Anumang kuwento tungkol sa iyong mga kapamilya ay mahalaga. Maaaring ang ilan ay tungkol sa iyong mga ninuno, at ang ilan ay maaaring tungkol sa iyo! Ang mga kuwento tungkol sa pamilya ay hindi kailangang maging pawang tungkol sa malalaking kaganapan. Ang ilan sa mga pinakamagandang kuwento tungkol sa pamilya ay masaya.
-
Alamin ang mga bansang pinagmulan ng iyong mga ninuno. Kung ang iyong mga ninuno ay nagmula sa ibang bansa, alamin pa nang kaunti ang tungkol sa bansang iyon. Ano ang kinakain nila roon? Ano ang ilang tradisyon sa bansang iyon?
-
Magtanong. Tanungin ang iyong mga lolo’t lola, magulang, tita, at tito tungkol sa buhay nila. Saan sila ipinanganak? Ano ang mga ginawa nila noong kabataan nila? Ano ang isang paboritong alaala? Itala o irekord ang inyong pag-uusap.
-
Mag-ingat ng isang journal. Isulat ang kasaysayan ng sarili mong pamilya sa isang journal! Maaari mong isulat ang tungkol sa iyong maghapon, kung ano ang gusto mo, o kung ano ang mahalaga sa iyo.
-
Maghanap ng mga bagong pangalan. Maaari mong gamitin ang FamilySearch.org para maghanap ng mga pangalan, tulad ng ginawa ni Javi. (Basahin ang kuwento niya sa pahina 36.) Humingi ng tulong sa isang mapagkakatiwalaang adult at tingnan kung sino ang matatagpuan mo!