“Ang mga Tupa ng Tagapagligtas,” Kaibigan, Oktubre 2024, 24–25.
Alamin ang Tungkol sa Aklat ni Mormon
Ang mga Tupa ng Tagapagligtas
Si Jesucristo ang tinatawag na Mabuting Pastol. Tayo ay katulad ng Kanyang mga tupa. Binabantayan at ginagabayan Niya tayo. Sa Bagong Tipan, itinuro ni Jesus na Siya ay may “ibang mga tupa” na nakatira sa ibang dako ng mundo (Juan 10:16). Matapos Siyang mabuhay na mag-uli, binisita Niya ang ilan sa mga taong iyon sa mga lupain ng Amerika. Binasbasan Niya sila. Pinagaling at tinuruan Niya sila. Minahal Niya sila tulad ng pagmamahal Niya sa mga tao sa Jerusalem. Si Jesus ay may iba pang mga tupa sa buong mundo. Mahal Niya ang lahat ng mga anak ng Ama sa Langit saanman sila nakatira. Mahal Niya kayo!
Hamon sa Banal na Kasulatan
-
Sino ang liwanag na dapat nating itaas? (3 Nephi 18:24)
-
Ang mga Nephita na nabinyagan ay napuspos ng ano? (3 Nephi 26:17)
-
Sa anong pangalan sinabi ni Jesus sa mga disipulo na tawagin ang Simbahan? (3 Nephi 27:5, 7)
Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!
Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
-
Linggo 1: 3 Nephi 15:9
-
Linggo 2: 3 Nephi 17:7–9
-
Linggo 3: 3 Nephi 20:5–8
-
Linggo 4: 3 Nephi 27:29