2024
Ano ang Endowment?
Oktubre 2024


“Ano ang Endowment?” Kaibigan, Oktubre 2024, 22.

Mga Temple Card

Ano ang Endowment?

Kapag mas matanda ka na, maaari ka nang pumasok sa templo para sa isang espesyal na seremonyang tinatawag na endowment. Sa oras ng endowment, natututuhan natin ang tungkol sa plano ng Diyos at tungkol kay Jesucristo, at nangangako tayong susundin Sila. Ang kaalamang natatanggap natin at ang mga tipang ginagawa natin sa oras ng endowment ay mga kaloob mula sa Diyos. Nangako ang mga propeta na ang endowment ay magbibigay sa atin ng higit na pag-asa, kapanatagan, at kapayapaan.

Panama City Panama Temple

  • Mula sa templong ito, makikita ninyo ang Panama Canal at ang Pacific Ocean.

  • Matatagpuan ito sa isang berdeng burol malapit sa isang rainforest.

  • Nang ilaan ito, isang libong kabataan ang nagtanghal ng mga tradisyonal na sayaw para magdiwang.

Santo Domingo Dominican Republic Temple

  • Ito ang ika-99 na templong ilalaan.

  • Ang bakuran ng templo ay may mga puno ng palma at magandang tanawin ng Caribbean Sea.

  • Ito ang unang templong itinayo sa Caribbean.

PDF

Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson