Kaibigan
Pagkatutong Manalangin
Oktubre 2024


“Pagkatutong Manalangin,” Kaibigan, Oktubre 2024, 32–33.

Kaibigan sa Kaibigan

Pagkatutong Manalangin

Mula sa isang interbyu kina Rebekah Jakeman at Bradley Salmond III.

Pamilyang nagdarasal

Noong bata pa ako, nagsisimba ang pamilya ko. Pero hindi ako tinuruang magdasal. Natuto akong manalangin sa pamamagitan ng pakikinig sa pagdarasal ng lolo’t lola ko.

Nagdiborsyo ang mga magulang ko noong bata pa ako. Madalas anyayahan ng lolo’t lola ko ang nanay ko at kami ng mga kapatid ko na maghapunan sa kanila tuwing Linggo. Gustung-gusto kong marinig ang pagdarasal ng lolo’t lola ko bago kumain. Sumasaya ang kalooban ko sa mga panalangin nila.

Naaalala ko ang isang gabi noong mga limang taong gulang ako. Ginusto kong magdasal sa Ama sa Langit. Kung minsa’y mahirap unawain ang mga bagay na natutuhan ko tungkol sa Diyos. Pero alam ko na Siya ay totoo. Kaya’t nagdasal ako sa Kanya. Pinasalamatan ko Siya sa mga pagpapalang natanggap ko at hiniling ko sa Kanya ang mga bagay na kailangan ko. Nadama ko na malakas at masaya ako dahil alam kong mahal ako ng Ama sa Langit.

Makalipas ang ilang taon, nalaman ko ang tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Itinuro sa akin ng mga missionary ang iba pa tungkol sa Ama sa Langit at sa panalangin. Nalaman ko na ang sinasabi nila ay totoo. Nabinyagan ako.

Sana’y magkaroon kayo ng kaugnayan sa Ama sa Langit at malaman ninyo na Siya ay totoo. Kilala Niya kayo at nakikinig Siya sa inyo kapag nagdarasal kayo. Ang malaman kung sino kayo at kung sino ang Ama sa Langit ay magpapadama sa inyo ng Kanyang pagmamahal.

Paano Ako Nagdarasal

Maaari kang magdasal kahit kailan, kahit saan, at palaging makikinig ang Ama sa Langit. Sundin ang mga pahiwatig na idrowing at isulat kung paano nakakatulong sa iyo ang pagdarasal.

Saan mo gustong magdasal?

Ano ang pakiramdam mo kapag nagdarasal ka?

PDF

Mga larawang-guhit ni Joyce Cho