Kaibigan
Mas Mabuti Bawat Araw
Oktubre 2024


“Mas Mabuti Bawat Araw,” Kaibigan, Oktubre 2024, 38.

Isinulat Mo

Mas Mabuti Bawat Araw

Batang lalaking nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Gustung-gusto kong basahin ang mga banal na kasulatan! Nang itayo ang bagong templo sa Cape Verde, tumulong ako sa open house ng templo. Gusto kong maging handang bisitahin ang templo, kaya binasa ko ang Aklat ni Mormon at natapos ko ang aklat ng mga larawan ng Lumang Tipan nang tatlong beses.

Ngayon ay sinisimulan ko nang basahin ang Doktrina at mga Tipan. Maraming bagay tungkol sa mga templo roon! Pero ang dalawang paborito kong kuwento sa banal na kasulatan ay parehong nagmumula sa Aklat ni Mormon, tungkol kina Ammon at Kapitan Moroni. Gusto kong maging katulad nila. Ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan ang paraan ng pagsunod ko kay Jesucristo.

Sinusunod ko rin si Jesucristo sa pagsisikap na isakatuparan ang aking mga mithiin. Ang aking mga espirituwal na mithiin ay maging handang magsimba sa takdang oras at basahin ang Aklat ni Mormon. Ang aking mga pisikal na mithiin ay magpraktis ng karate at soccer. Ang aking mga intelektuwal na mithiin ay basahin ang Aklat ni Mormon at matuto ng Ingles. At sa huli, ang aking mithiin sa pakikisama ay laging tulungan ang mga kaibigan ko. Tinutulungan ako ng aking mga mithiin na maging mas mabuti bawat araw!

PDF

Larawang-guhit ni Derek Cox