“Pagsunod kay Jesus sa Dominican Republic,” Kaibigan, Oktubre 2024, 6–7.
Pagsunod kay Jesus sa Dominican Republic
Kilalanin si Camila!
Paano Sinusunod ni Camila si Jesus
Sinusunod ni Camila si Jesucristo sa pamamagitan ng pagsampalataya sa mahihirap na panahon. Nang magdiborsyo ang kanyang mga magulang, nalungkot si Camila. Bumaling siya sa Ama sa Langit, at tinulungan Niya siyang makadama ng kapanatagan. “Nagpakita Siya sa akin ng pagmamahal noong panahong iyon,” sabi ni Camila.
Gustung-gusto ring basahin ni Camila ang kanyang mga banal na kasulatan. “Pinagaganda nito ang pakiramdam ko at natututo ako ng mga bagay-bagay,” sabi ni Camila. “Tinutulungan ako ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan na matutuhan ang tama sa mali.” Gusto ni Camila na magbasa ng mga banal na kasulatan para sa home evening kasama ang kanyang lola.
Tungkol kay Camila
Edad: 10
Mula sa: National District, Dominican Republic
Mga wika: Spanish, English
Mga Mithiin: 1) Pumasok sa templo. 2) Magbasa ng mga banal na kasulatan nang mas madalas.
Mga Libangan: Paglalaro, paglangoy, at pag-aaral ng mga bagong bagay
Pamilya: Camila, Inay, Itay, ate, nakababatang kapatid na lalaki, aso
Mga Paborito ni Camila
Kuwento sa Aklat ni Mormon: Ang panaginip ni Lehi tungkol sa punungkahoy ng buhay (tingnan sa 1 Nephi 8)
Holiday: Pasko
Prutas at gulay: Strawberry at pipino
Kulay: Pink
Awitin sa Primary: “The Sixth Article of Faith” (Children’s Songbook, 126)