“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Oktubre 2024, 28–29.
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!
Setyembre 30–Oktubre 6
Kahon ng Kayamanan
Para sa 3 Nephi 12–16
Sabi ni Jesucristo, “Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso” (3 Nephi 13:21). Dekorasyunan ng mga puso at larawan ng Tagapagligtas ang isang kahon. Pagkatapos ay sumulat o magdrowing ng mga bagay na magagawa mo para maging katulad Niya at ilagay ang mga iyon sa bago mong kahon ng kayamanan. Maaari mong tingnan ang laman ng iyong kahon ng kayamanan tuwing Linggo para ipaalala sa iyo na sundin si Jesus sa linggong iyon!
Oktubre 7–13
Pag-alaala kay Jesucristo
Para sa 3 Nephi 17–19
Ibinigay ni Jesucristo ang sakramento sa mga Nephita. Itinuro Niya sa kanila na tanggapin iyon upang mapasakanila sa tuwina ang Kanyang Espiritu (tingnan sa 3 Nephi 18:7). Magpunta sa pahina 19 para gumawa ng isang pansabit sa pinto para matulungan kang maalala si Jesus sa buong linggo.
Oktubre 14–20
Pag-iingat ng Isang Talaan
Para sa 3 Nephi 20–26
Sinabi ng Tagapagligtas sa mga Nephita na mag-ingat ng isang talaan ng itinuro Niya sa kanila at ng mga bagay na nangyari sa kanila (tingnan sa 3 Nephi 23:4, 7–13). Magdrowing o sumulat ng isang mabuting bagay na nangyari sa iyo sa linggong ito. Paano ka napagpala ng Ama sa Langit?
Oktubre 21–27
Si Jesus ay Naghahatid ng Kagalakan
Para sa 3 Nephi 27–4 Nephi
Sa 4 Nephi, nagalak ang mga Nephita dahil sinunod nila si Jesucristo (tingnan sa 4 Nephi 1:15–16). Maghalinhinan sa tahimik na pagsasadula ng mga bagay na ginagawa ninyo para masunod ang Tagapagligtas na naghahatid sa inyo ng kagalakan. Pahulaan sa lahat kung ano ang ginagawa ng taong umaakto.