2022
Kumonekta
Abril 2022


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2022.

Kumonekta

Pierre-Alban C.

17, Normandy, France

binatilyo

Larawang kuha ni Christina Smith

Nabinyagan ako sa Egypt. Ilang taon kaming nakatira doon dahil sa trabaho ng tatay ko. Bininyagan ako ng lolo ko, at talagang espesyal na karanasan iyon. Nadama ko ang Espiritu. Noong araw na iyon nadama ko ang suporta ng lahat ng miyembro ng aking ward, ngunit lalo na ng Ama sa Langit. Alam ko na gumawa ako ng mabuting pagpili.

Walang mga templo sa Egypt o sa mga karatig na bansa. Pero nang lumipat kami sa France, nakakapunta ako sa templo sa Switzerland. Ito ay noong bago itinayo ang Paris France Temple.

Noong una akong magpunta sa Bern Switzerland Temple, kasama ko ang pamilya ko at mga kaibigan. Nagdulot sa akin ng malaking kagalakan ang karanasang ito. Nadama naming lahat ang Espiritu. Alam ko na ang ginagawa ko ay mabuti at ipinagmamalaki ng Diyos ang aming gawain. Alam ko na ang templo ay naghahatid sa atin ng maraming pagpapala. Kapag nag-uukol tayo ng oras na gawin ang gawain sa templo para sa ating mga ninuno, pinagpapala tayo ng Ama sa Langit. Magiging masaya Siya sa nagawa natin para sa Kanyang mga anak sa Kanyang bahay.