2022
Ano ang ibig sabihin ng “huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos”?
Abril 2022


“Ano ang ibig sabihin ng ‘huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos’?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2022.

Tuwirang Sagot

Ano ang ibig sabihin ng “huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos”?

nagpakita ang Panginoon kay Moises

The Lord Appearing to Moses [Nagpakita ang Panginoon kay Moises], ni Wilson J. Ong

Sinabi ni Jesus na ang “dakila at unang utos” ay “ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo” (Mateo 22:37–38). Bahagi ng ibig sabihin nito ay “huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa [Kanyang] harap[an]” (Exodo 20:3).

Ayaw ng Panginoon na ibigay ng Kanyang mga tao ang kanilang puso, kaluluwa, at isipan sa anumang bagay nang higit sa Kanya. Binalaan Niya sila na ang kayamanan, mga kaibigan, at ang mga pinakasalan nila ay maaaring makagambala sa pagtutuon nila ng pansin sa Kanya (tingnan sa Deuteronomio 7:3-6; 8:11-14; 13:6). Nais ng Panginoon na ang mga iniisip, hangarin, at kilos ng Kanyang mga tao ay magabayan Niya. Alam Niya na matutulungan tayo nito na magkaroon ng pinakamalaking kaligayahan.

Ngayon, nagbabala sa atin ang mga propeta tungkol sa “mga diyus-diyusan.” Halimbawa, minsang sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan:

“Ano ang ibang mga prayoridad na unang ‘pinaglilingkuran’ ng mga tao bago ang Diyos … ? Isipin ang mga posibilidad na ito, na karaniwang lahat sa ating mundo:

  • Mga kaugalian sa kultura at pamilya.

  • Pangungunsinti sa mali.

  • Hangad na mga tagumpay sa buhay.

  • Mga materyal na ari-arian.

  • Mga hangad na libangan.

  • Kapangyarihan, katanyagan, at reputasyon” (pangkalahatang kumperensya ng Okt. 2013 [Ensign o Liahona, Nob. 2013, 72]).