2022
Paano ako magkakaroon ng “kagalakan sa paglalakbay” kapag tila napakahirap nito?
Abril 2022


“Paano ako magkakaroon ng ‘kagalakan sa paglalakbay’ kapag tila napakahirap nito?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2022.

Mga Tanong at mga Sagot

“Paano ako magkakaroon ng ‘kagalakan sa paglalakbay’ kapag tila napakahirap nito?”

Alalahanin Kung Ano ang Naghihikayat sa Iyo

“Kung minsan ay mahirap makahanap ng motibasyon. Para matulungan tayo, maaari nating alalahanin kung ano ang naghihikayat sa atin na sumulong, tulad ng ating pamilya at ng ating personal at espirituwal na mga mithiin. Magkakaroon tayo ng tiwala na darating ang sandali na magiging mas madali ang paglalakbay. Bawat isa sa mga balakid na kinakaharap natin ay tutulong sa atin na umunlad.”

Karime R., 17, Mexico

Ang Patotoo ay Nagdudulot ng Kapayapaan

binatilyo

“Nitong nakaraang taon lubos akong umasa sa aking patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at sa ipinanumbalik na Simbahan. Mula sa isang pandemya hanggang sa pagkamatay ng aking ama, alam kong nariyan ang Diyos at may plano Siya. Ang malaman na totoo ang ebanghelyo ay nakatulong sa akin na manatiling payapa habang ang mga unos ng buhay ay umiikot sa paligid ko.”

Ethan G., 17, Utah, USA

Bumaling sa mga Pinagkakatiwalaan Mo

binatilyo at dalagita

“Kailangan tayong magtiwala sa Diyos at kay Jesucristo. Makadarama tayo ng kagalakan, dahil lagi natin Silang kasama. Tutulungan nila tayong gawin ang tama kahit mahirap ito. Lahat tayo ay may mga paghihirap, pero may mga tao rin tayong maaasahan na tutulong sa atin, tulad ng ating mga magulang at lider.”

Caique O., 16, at Kaylane O., 14, Portugal

Tandaan Kung Sino Ka

dalagita

“Kapag parang hindi ko na kayang magpatuloy, tumitigil ako at iniisip ang kadakilaan ng Ama sa Langit. Ang pag-alaala na ako ay anak ng isang makapangyarihang Diyos ay tumutulong sa akin na kilalanin ang aking banal na potensyal at hinihikayat akong magpatuloy.”

Solene M., edad 15, Brazil

Magkaroon ng Lakas sa Araw-araw na mga Bagay

dalagita

“Kailangan nating manatiling matatag sa mahihirap na panahon. Mahirap manatiling matatag, pero nagiging mas madali kapag ginagawa ko ang mga bagay sa araw-araw na talagang mahalaga, tulad ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan at pagdarasal. Kapag makabuluhan ang mga panalangin ko, nakadarama ako ng lakas at determinasyong gawin ang tama.”

Emily H., 16, Canada

Sundin ang Espiritu sa Bawat Araw

dalagita

“Kung minsan itinatanong ko rin sa sarili ko ang tanong na ito. Pero kapag umaasa tayo sa Tagapagligtas sa lahat ng ating ginagawa, magkakaroon tayo ng kagalakan at kaligayahan sa buhay na ito sa kabila ng pinagdaraanan natin. Matutong sundin ang tinig ng Espiritu araw-araw, at magkakaroon kayo ng tunay na kagalakan sa buhay.”

Pauline K., 17, Fiji