2022
Paalala na Maging Dalisay
Abril 2022


“Paalala na Maging Dalisay,” Para sa Lakas ng mga Kabataan. Abr. 2022.

Mga Saligang Kaytibay

Paalala na Maging Dalisay

kamay na may hawak na singsing

Larawang-guhit ni Corey Egbert

Karamihan sa mga tao sa paaralan ko ay hindi ko katulad ang pamantayan. Kung minsan maaaring napakahirap nito. Maraming kaibigan ko ang gumagamit ng hindi magandang pananalita at mahalay ang pananamit. May mga pagkakataon na sumama ako sa kanila at gumawa ng mga pagpiling hindi ko ipinagmamalaki.

Pagkatapos para sa Pasko binigyan ako ni Inay ng tinawag niyang singsing ng kadalisayan. Sinabi niya sa akin na maaaring makatulong ang singsing na magpaalala sa akin na sundin ang Tagapagligtas at maging dalisay sa aking mga iniisip at ikinikilos. Isinuot ko ito at nagpasiya akong magbago. Nagsimula akong maging mas maingat sa mga salitang gamit ko at kung paano ako magbihis. Binasa ko ang aking mga banal na kasulatan at mas madalas nang dumalo sa seminary. At mas sinikap kong maging halimbawa sa mga kaibigan ko.

Kung minsan tinatanong ako ng mga tao sa paaralan tungkol sa singsing ko. Pakiramdam ko para akong batang nagpapaliwanag noong una, pero nagsimula akong makadama ng tiwala sa sarili ko nang mas nagsasalita na ako tungkol sa mga pamantayan ko. Hindi ko kailanman hinubad ang singsing ko, at tinitiyak ko na alam ng mga tao na mayroon ako nito. Mas marami sa mga kaibigan ko ang nagsimulang humanga sa akin dahil napansin nila kung paano ako nagbago.

Ang pagtingin sa munting singsing ko ay tumutulong sa akin na makabalik sa tuwid at makitid na landas, alalahanin ang Tagapagligtas, at maging ang taong maipagmamalaki ko. Alam ko na makakasama natin ang Panginoon at madarama natin ang Kanyang presensya kapag ipinamumuhay natin ang ebanghelyo, sinusunod ang ating mga pamantayan, at sinisikap na maging mas dalisay sa bawat araw.

Jessie L., Missouri, USA