“Ang Nagdurusang Tagapagligtas,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2022.
Taludtod sa Taludtod
Ang Nagdurusang Tagapagligtas
Daan-daang taon bago pumarito si Jesucristo, nakita ni Isaias ang Kanyang pagdurusa para sa ating mga kasalanan.
hinamak at itinakwil
Nang pumarito si Jesucristo sa lupa, may ilang taong naniwala sa Kanya, pero karamihan ay hindi naniwala. Siya ay hinamak pa nila, at marami ang napoot sa Kanya. Sa huli, pinili ng mga tao na pahirapan Siya at patayin. (Tingnan sa 1 Nephi 19:9.)
kanyang pinasan ang ating mga dalamhati
Inako ni Jesucristo ang lahat ng ating pasakit, karamdaman, at kahinaan. Ginawa Niya ito upang mahabag Siya sa atin at malaman kung paano tayo tutulungan. (Tingnan sa Alma 7:11–13.)
siya ay nasugatan dahil sa ating mga kasalanan.
Si Jesucristo ay nagdusa para sa ating mga kasalanan. Ginawa Niya ito upang mapatawad tayo kapag nagsisi tayo. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 18:11; 19:15–19.)
sa pamamagitan ng kanyang mga latay tayo ay gumaling
Ang “Kaniyang mga latay” ay ang Kanyang mga sugat. Ang mga ito ay tanda ng lahat ng pagdurusang tiniis Niya para sa atin, pati na ang pagbuhos ng Kanyang dugo at Kanyang kamatayan. Dahil si Jesucristo ay nagdusa para sa atin, maaari tayong gumaling muli. Ginagawang posible ng Kanyang sakripisyo na mapatawad ang ating mga kasalanan. Kapag nagsisisi tayo at nagsisikap na tuparin ang ating mga tipan, pinagagaling at binabago Niya tayo. (Tingnan sa Mosias 3:7–11; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:3.)