2022
Kumonekta
Agosto 2022


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2022.

Kumonekta

Daniel F.

17, Madrid, Spain

binatilyo

Larawang kuha ni Fernando J. Calderón

Lumaki ako sa Dominican Republic. Pero sa edad na 15, nang magdiborsyo ang mga magulang ko, lumipat ako sa Espanya para manirahang kasama ng nanay ko. Gustung-gusto ko ang Espanya dahil sa masasayang lugar at masasarap na pagkain—lalo na ang churros.

Sumapi ang nanay ko sa Simbahan bago ako lumipat sa bahay niya. Noon pa man ay mayroon na siyang Aklat ni Mormon sa bahay namin. Kaya isang araw nagsimula akong magbasa, at talagang dama ko na parang ako si Nephi. Nagsimba ako, at nadama ko roon ang Espiritu. Alam kong totoo ang Simbahan, at masayang-masaya akong mabinyagan sa edad na 16.

Nakikita ko ang epekto ng pagpapabinyag at pagkakaroon ng kaloob na Espiritu Santo sa buhay ko. Tinutulungan ako ng bishop ko na maghandang magmisyon, at katatanggap ko lang ng temple recommend ko.

Ako lang ang priest sa aming ward, kaya binabasbasan ko ang sakramento linggu-linggo. Medyo kinabahan ako noong unang pagkakataon dahil nasa akin ang atensiyon ng lahat. Pero nagpraktis ako at nanalangin na tulungan sana ako ng Diyos na hindi ako masyadong kabahan.

Alam ko na masaya ako dahil sa ebanghelyo ni Jesucristo.