“Kalmado sa Gitna ng Kaguluhan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2022. Kalmado sa Gitna ng Kaguluhan Ni David Dickson; mga larawang-guhit ni Josh Talbot Kasalukuyang Pangyayari Nagsimula ang Digmaan Nakaamba ang Kalamidad na Dulot ng Kalikasan Malaking Problema sa Pera “Itay, paano po kayo masisiyahan sa isang simpleng bagay na gaya ng puzzle samantalang gumuguho ang mundo?” “Napakalungkot na tanong iyan mula sa paborito kong anak na babae!” “Ako lang po ang anak ninyong babae!” Oo, pero, kung minsan nais kong malimutan ang lahat ng nakakatakot na bagay na naririnig at nakikita ko araw-araw.” “Matagal ko nang napag-alaman na hindi darating ang kapayapaan ng sansinukob hanggang sa pagbabalik ng Tagapagligtas. Pero maaari pa rin tayong magkaroon ng personal na kapayapaan sa ating buhay. Narito ang sabi ni Elder Cook tungkol dito.” “Ang personal na kapayapaan ay maaaring makamtan sa kabila ng galit, pagtatalo, at pagkakawatak-watak na sumisira at nagpapasama sa ating mundo ngayon. Mas mahalaga ngayon [higit kailanman] ang paghahangad ng personal na kapayapaan.” Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol, pangkalahatang kumperensya ng Okt. 2021 (Liahona, Nob. 2021, 90). “May katwiran iyan, pero paano mapapawi ang takot na nadarama ko at magiging damdamin ng kapayapaan?” “Gawin ang ginagawa ko. Lumapit sa Tagapagligtas, at lutasin ang mga ito nang paisa-isa!”