“Bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari ang masasamang bagay sa mabubuting tao?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2022.
Tuwirang Sagot
Bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari ang masasamang bagay sa mabubuting tao?
Upang maharap ang kawalang-katarungan sa buhay, kailangan natin ng pananaw at pananampalataya.
Ang pananaw ay nagmumula sa pag-unawa sa plano ng Ama sa Langit. Tayo ay mga walang-hanggang nilalang na pinahintulutang pumarito sa lupa upang tayo ay lalong maging katulad ng Ama sa Langit. Habang narito tayo, nahaharap tayo sa tukso, kalungkutan, pasakit, at pagdurusa. Ang ilang pagdurusa ay dumarating dahil tinutulutan ng Diyos ang mga tao na pumili, at ang ilang pagpili ay maaaring magdulot ng pagdurusa sa kanilang sarili o sa iba. Sa ibang pagkakataon maaaring hindi natin alam kung bakit nagdurusa ang mga tao. Ngunit alam natin na sa plano ng Ama sa Langit, ang mga bagay na ito ay makapagbibigay sa atin ng karanasan at magiging para sa ating ikabubuti sa huli (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 122:7).
Dinaig ni Jesucristo ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli. Kapag nakikita natin ang kawalang-katarungan sa buhay na ito, maaari tayong manampalataya sa Kanya at sa plano ng ating Ama sa Langit. Maaari tayong magtiwala na gagawing tama ng Tagapagligtas ang lahat sa huli. At sa pamamagitan ng Espiritu Santo, makatatanggap tayo ng kapanatagan at lakas sa ating mga pagsubok.
Kung pipiliin nating manampalataya at magtiis hanggang wakas, pinangakuan tayo ng “kapayapaan sa daigdig na ito, at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating” (Doktrina at mga Tipan 59:23).