“Isang Lampara sa Ating mga Paa,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2022.
Mga Bagay mula sa mga Banal na Kasulatan
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mga Awit
Isang Ilawan sa Ating mga Paa
Ang isang karaniwang bagay para sa mga sinaunang Israelita ay makapagtuturo sa atin kung paano tayo ginagabayan ng Panginoon.
Mga Impormasyon
Sa panahon ng Lumang Tipan, gumamit ang mga tao ng mga lamparang langis upang maging tanglaw nila sa dilim. Karamihan sa mga lamparang ito ay may tatlong pangunahing katangian:
-
1. Isang mangkok na yari sa luwad na lalagyan ng langis ng olibo; karaniwang sapat ang laki para mailagay sa palad ng isang tao
-
2. Isang mitsa na yari sa flax na sisindihan matapos itong sumipsip ng langis
-
3. Isang spout o nozzle na hahawak sa mitsa
Ang mga simpleng lamparang langis na isa lang ang mitsa ay maaaring tumanglaw ng mga ilang talampakan sa paligid nila. Kung gagamitin habang naglalakad sa paligid, sapat ang liwanag nito para makita ang ilang hakbang mo sa harapan para makapaglakad sa dilim.
Ano ang Matututuhan Natin
Ang salita ng Panginoon ay makapagliliwanag sa ating daan sa kadiliman at kalituhan na nakapaligid sa atin sa mundo.
Inutusan tayo ng Panginoon na huwag takpan ang ating liwanag kundi dalhin natin ang liwanag ng ebanghelyo upang makita ito ng ibang tao (tingnan sa Mateo 5:14–16).
Tungkulin nating tiyakin na puno ng langis ang ating mga ilawan (tingnan sa Mateo 25:1–13). Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, paglilingkod, pagsunod sa propeta, at iba pang mga gawain ng pananampalataya at katapatan (tingnan sa Spencer W. Kimball, Faith Precedes the Miracle [1972], 256).
Kung mananampalataya tayo, kung minsan ay tinatanglawan ng Panginoon ang ating landas na tama lamang para makagawa tayo ng isa pang hakbang (tingnan sa Boyd K. Packer, “The Candle of the Lord,” Ensign, Ene. 1983, 54).