“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2022.
Masayang Bahagi
Pagtutugma sa Pangkalahatang Kumperensya
Malapit nang maganap ang pangkalahatang kumperensya. Gusto mo bang malaman kung naaalaala mo pa ang mga mensahe sa nakaraang kumperensya? Itugma ang siping ito sa tagapagsalita. Lahat ng ito ay mula sa pangkalahatang kumperensya ng 2021.
-
Pangulong Russell M. Nelson
-
Pangulong Dallin H. Oaks
-
Pangulong Henry B. Eyring
-
Pangulong M. Russell Ballard
-
Elder Jeffrey R. Holland
-
Elder Dieter F. Uchtdorf
-
Elder David A. Bednar
-
Elder Quentin L. Cook
-
Elder D. Todd Christofferson
-
Elder Neil L. Andersen
-
Elder Ronald A. Rasband
-
Elder Gary E. Stevenson
-
Elder Dale G. Renlund
-
Elder Gerrit W. Gong
-
Elder Ulisses Soares
-
“Karaniwan, isa akong optimista, masayahing tao, at napakaraming kabutihan at kagandahan sa ating daigdig.”
-
“Dinggin natin ang panawagan ng propeta na manatili sa landas ng tipan.”
-
“Bilang mga pinagtipanang anak ng Diyos, tayo ay nagmamahal, gumagalang, nag-aalaga, pumuprotekta, at tumatanggap sa mga espiritung iyon na mula sa premortal na mundo.”
-
“Mangyaring paniwalaan ako na kapag matibay na nakatayo ang inyong espirituwal na pundasyon kay Jesucristo, hindi kayo kailangang matakot.”
-
“Marami sa mga kakilala natin ang naghahanap ng pag-alo, atensyon, pagiging kabilang, at anumang tulong na maiaalok natin sa kanila.”
-
“Ngayon, hayaan ninyong ibahagi ko ang isang tuklas na nangyari sa isang sampol na grupo ng mga kuneho.”
-
“Mahal kong mga kapatid, bagama’t 20 taon na siyang pumanaw, may mga sandaling nangungulila ako sa aking ama. Dahil sa mga pangako ng Pasko ng Pagkabuhay, muli ko siyang makikita.”
-
“Ano ang nagawa ni Jesucristo para sa bawat isa sa atin? Ginawa Niya ang lahat ng mahalaga para sa ating paglalakbay sa mortalidad patungo sa tadhanang nakabalangkas sa plano ng ating Ama sa Langit.”
-
“Ang personal na kapayapaan ay maaaring makamtan sa kabila ng galit, pagtatalo, at pagkakawatak-watak na sumisira at nagpapasama sa ating mundo ngayon. Mas mahalaga ngayon ang paghahangad ng personal na kapayapaan.”
-
“Inisip ko sandali na isa siyang anghel dahil alam niya ang pangalan ko. Hindi ko natanto na nakasulat ang pangalan ko sa maliit na card na nakakabit sa kuwelyo ng amerikana ko.”
-
“Kailangan natin ang patuloy na liwanag mula sa langit araw-araw. Kailangan natin ang panahon na ‘mapawi ang kasalanan.’ Mga oras ng personal na pagbabalik-loob.”
-
“Ipinagdarasal kong maliwanagan at mapagtibay tayong lahat ng Banal na Espiritu habang iniisip natin ang kagila-gilalas na gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon.”
-
“Lahat ng kawalang-katarungan—lalo na ang nakagagalit na kawalang-katarungan—ay ilalaan para sa inyong kapakinabangan.”
-
“Ano ang mga bagay na magagawa ninyo sa inyong sariling buhay na nagpapakita na inuuna ninyong mahalin ang Panginoon?”
-
“Ano ang mga bagay na pinagninilayan ninyo? Ano ang mga bagay na talagang mahalaga sa inyo? Ano ang mga bagay ng inyong kaluluwa?”
Paano Magdrowing ng Isang Tupa
Ang mga banal na kasulatan ay puno ng mga halimbawa ni Jesucristo bilang ating Pastol (tingnan sa Mga Awit 23:1). Ngayon ay maaari ka nang magpraktis na matuto kung paano magdrowing ng mga tupa.
Ipadala sa Amin ang Iyong Scripture Poetry [Tula sa mga Banal na Kasulatan]
Ang mga tula ay nasa buong banal na kasulatan, kabilang na sa Job, Mga Awit, at Mga Kawikaan, na pag-aaralan mo sa buwang ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Sino ang nagsabi na ang lahat ng kasiyahan ay nasa mga awtor sa Lumang Tipan?
Ipadala sa amin ang sarili mong tula hinggil sa banal na kasulatan! Mga tulang may tugma, mga tula na walang tugma, mga tula na dapat isigaw mula sa tuktok ng burol, anuman ang gusto mong likhain—basta tungkol ito sa mga banal na kasulatan o kung paano pinagpapala ng mga banal na kasulatan ang iyong buhay.
I-email ang iyong mga tula sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org hanggang Setyembre 1, 2022, at itatampok namin ang lahat ng kaya naming itampok sa darating na isyu o online.
Komiks
Mga Sagot
Pagtutugma sa Pangkalahatang Kumperensya: 1. D, 2. H, 3. J, 4. N, 5. A, 6. K, 7. L, 8. I, 9. B, 10. C, 11. O, 12. F, 13. M, 14. G, 15. E