2022
15 Mga Awit para sa Kagalakan
Agosto 2022


“15 Mga Awit para sa Kagalakan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Awit

15 Mga Awit para sa Kagalakan

Narito ang ilan sa mga awit na madaling makukuha kapag nagkaroon ng mga problema sa buhay.

15 paglalarawan na kumakatawan sa 15 mga awit

Mga paglalarawan ni Mitch Miller

Ang mga banal na kasulatan ay puno ng kapanatagan at katibayan ng pagmamahal ng Diyos. Sa napakaraming nakasisiglang mga talata na pagpipilian, kahit mula sa aklat ng Mga Awit lamang (na maaari mong pag-aralan sa buwang ito bilang bahagi ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin), narito ang ilan na masasandigan kapag kailangan mong gumaan ang iyong pakiramdam.

Mga Talata sa Banal na Kasulatan na Nagpapaganda ng Saloobin

  1. Dumaranas ka ba ng kalungkutan o dalamhati?
    “Maaaring magtagal nang magdamag ang pag-iyak, ngunit sa kinaumagahan ay dumarating ang galak.” (Mga Awit 30:5).

  2. Tila nakakatakot ba ang mundo kung minsan?
    “Bagaman ako’y lumakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagkat ikaw ay kasama ko, ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, inaaliw ako ng mga ito” (Mga Awit 23:4).

  3. Para sa mga araw na mabigat ang iyong pasanin:
    “Iatang mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kanyang aalalayan ka” (Mga Awit 55:22).

  4. Ang ginawa ba ng ibang tao ay ipinag-aalala mo?
    “Ang Panginoon ay para sa akin, hindi ako matatakot. Anong magagawa ng tao sa akin?” (Mga Awit 118:6).

  5. Hindi mo ba tiyak kung ano ang susunod mong gagawin sa iyong buhay?
    “Ilawan sa aking mga paa ang salita [ng Diyos], at liwanag sa landas ko” (Mga Awit 119:105].

  6. Kapag hindi mo nakakamit ang iyong mga mithiin:
    “Lumalang ka sa akin ng isang malinis na puso, O Diyos; at muli mong baguhin ang matuwid na espiritu sa loob ko” (Mga Awit 51:10).

  7. Pakiramdam mo ba ay wala kang mahingan ng tulong?
    “Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa” (Mga Awit 121:2).

  8. Kapag nagngangalit ang mga unos ng buhay:
    “Sasabihin ko sa Panginoon, “Aking muog at aking kanlungan, aking Diyos na siya kong pinagtitiwalaan” (Mga Awit 91:2).

  9. Kailangan mo ba ng tulong para mapaglabanan ang takot?
    “Hinanap ko ang Panginoon, at ako’y kanyang sinagot, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga takot” (Mga Awit 34:4).

  10. Kapag nadarama mong sira ang iyong katawan o espiritu:
    “O Panginoon kong Diyos, humingi ako sa iyo ng saklolo, at ako ay pinagaling mo” (Mga Awit 30:2).

  11. Nadarama mo bang nauubos na ang iyong lakas?
    “Ang kaluluwa ko’y natutunaw dahil sa kalungkutan; palakasin mo ako ayon sa iyong salita” (Mga Awit 119:28).

  12. Pinagtatawanan ka ba ng ibang tao?
    “Ako’y dumaing sa iyo, O Panginoon; aking sinabi, Ikaw ang aking kanlungan. … Iligtas mo ako sa mga nagsisiusig sa akin” (Mga Awit 142:5–6).

  13. Kapag kailangan mo ng paalala tungkol sa biyaya ng Diyos:
    “Ang Panginoon ay mahabagin at mapagbiyaya, hindi magagalitin at sa tapat na pag-ibig ay sagana” (Mga Awit 103:8).

  14. Kapag nag-aalala ka na hindi ka ismarte o matalino:
    “Ang pagkatakot [o pagpipitagan] sa Panginoon ay pasimula ng karunungan” (Mga Awit 111:10).

  15. Makatutulong na gabay para sa mga taong ang payo ay hindi dapat pakinggan:
    “Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni umuupo man sa upuan ng mga manunuya” (Mga Awit 1:1).

Alin sa mga awit na ito ang nagbibigay-inspirasyon sa iyo? Maaari kang gumawa ng poster o i-print ito at isabit ito sa lugar na madalas mo itong makikita.