“Ngunit Kung Sakali Mang Hindi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2022. Ngunit Kung Sakali Mang Hindi Isinulat ni Madeline Mortensen Mga larawang-guhit ni Garth Bruner “Mahirap lumipat sa bagong paaralan. Sana magkaroon ako ng mga kaibigan.” “Uy, gusto mo bang sumama sa amin?” “Sige!” “Ayos, masaya ako na hindi ako mag-iisa ngayon.” Sa unang ilang araw, maayos ang mga bagay-bagay hanggang sa … “Nakita ba ninyo ang kanyang buhok?” “Tingnan ninyo ang kanyang sapatos; napakapangit!” “Uy! Tingnan mo ang nilalakaran mo!” “Parang hindi ito tama.” “Sa palagay ko ay hindi na ako dapat sumama sa mga taong iyon, ngunit kung hihiwalay ako, sino na ang makakasama ko?” “Sa palagay ko po ay hindi na ako dapat sumama sa kanila. Sana magkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Ngunit kung sakali mang hindi, gusto ko pa ring gawin ang tama.” Mahirap sa umpisa, ngunit umaasa pa rin siya na magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan. “Uy, kumusta ka? Ako si Antonio. Ano ang pangalan mo?”