2022
Sa Culiacán, Mexico
Oktubre 2022


“Sa Culiacán, Mexico,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2022.

Paano Kami Sumasamba

Sa Culiacán, Mexico

Culiacán, Mexico
dalagita

Hi, ako si Deseret! Ako ay 17 taong gulang, at pito kami sa aming pamilya.

Noong pandemyang COVID-19, kinailangan kong maghanap ng mga bagong bagay na gagawin. Ako ay nagpipinta, nag-aayos at nagtatahi ng mga damit, nagkukulay ng mga kuko, nakikinig sa musika, nanonood ng mga pelikula, at nag-uukol ng oras kasama ang aking pamilya. Gumagawa rin ako ng iba’t ibang uri ng kuwintas kasama ang aking pamilya.

pamilya

Ang aking ina ay isang special education teacher. Kapag bakasyon sa tag-init, tinutulungan ko siya sa mga batang tinuturuan niya. May isang taon na lamang akong natitira sa high school. Pagkatapos niyon, gusto kong maging isang international flight attendant o isang special education teacher, tulad ng aking ina. Gusto ko ring maglakbay.

Pagiging Miyembro sa Mexico

Noon, pinipilit ako ng aking mga kaibigan sa paaralan na gumawa o magsabi ng mga bagay na labag sa aking mga pamantayan, ngunit ngayong alam na nila na miyembro ako ng Simbahan at kung ano ang mga pinaniniwalaan ko, iginagalang na nila ang aking mga pamantayan.

Alam ko na kapag sinisikap kong sundin ang mga kautusan, magiging ganap ako sa pamamagitan ni Jesucristo. Ang aking patotoo ang nagbibigay sa akin ng lakas na magpatuloy. Alam ko na anak ako ng Diyos. Maaari akong maging halimbawa at manindigan sa alam kong totoo. Natutuwa akong malaman na maaari kong tulungan ang iba na mas mapalapit kay Cristo.

Ang Hermosillo Mexico Temple ang pinakamalapit na templo sa akin. Noong una akong pumunta sa templo kasama ang grupo ng mga kabataan, nakaramdam ako ng lubos na kapayapaan. Hindi ko pa talaga iyon naramdaman noon.

Hermosillo Sonora Mexico Temple

Naghahanda akong gumawa ng mga tipan sa templo sa pamamagitan ng pagdalo sa mga temple preparation class sa bahay at pag-aaral ng mga lesson.

Kami ng kapatid ko ang mga pangulo ng aming mga klase sa Young Women. Kada dalawang linggo kapag nagkikita kaming mga kabataan, nagbabahagi kami ng mga natutuhan namin mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Hindi ko akalain na matutuwa ako sa pakikinig sa mga natutuhan nila at sa pagbabahagi ng sarili kong natutuhan.

dalagita

Paghahanda para sa Misyon

Ang aking mga magulang ay parehong nagmisyon sa Mexico. Gusto ko nang magmisyon mula pa noong mga 15 taong gulang ako, kaya naghahanda na akong maglingkod. Ang nakababata kong kapatid na lalaki ay magiging 18 taong gulang na kapag naging 19 na taong gulang na ako, kaya sabay kaming magpapasa ng aming mga mission paper. Nag-iipon ako ng pera para sa aking misyon sa pamamagitan ng pagtatrabaho kasama ng aking ina. May maliit akong garapon na pinaglalagyan ko ng pera, at sinisikap kong punuin ito. Gusto kong magdala ng maraming tao kay Cristo at sa Kanyang Simbahan upang makapaghatid ng kabutihan sa kanilang mga buhay at sa akin.

pamilya

Nagbabahagi ako ng mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng social media. Sinisipi ko ang mga pahayag at parirala mula sa website ng Simbahan at ipinadadala ko ang mga ito sa aking mga kaibigan sa social media. Binibigyan din kami ng mga misyonero ng mga kopya ng Aklat ni Mormon, at gustung-gusto kong ibinibigay ang mga ito sa aking mga kaibigan.