2022
Hindi gusto ng aking mga magulang ang musikang pinakikinggan ko. Paano kami hindi magtatalo tungkol dito?
Oktubre 2022


“Hindi gusto ng aking mga magulang ang musikang pinakikinggan ko. Paano kami hindi magtatalo tungkol dito?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2022.

Tuwirang Sagot

Hindi gusto ng aking mga magulang ang musikang pinakikinggan ko. Paano kami hindi magtatalo tungkol dito?

binatilyo

Kapag hindi kayo nagkakasundo ng iyong mga magulang tungkol sa musika, mahalagang manatiling kalmado ang lahat, sikaping unawain ang isa’t isa, at iwasan ang pagtatalo. Mag-ukol ng oras upang mapag-isipan nang mabuti kung bakit ayaw ng iyong mga magulang sa iyong musika. Rebyuhin ang mga alituntunin sa buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan, at seryosong itanong sa iyong sarili kung paano ito naaangkop sa iyong musika. Sikaping ipakita sa iyong mga magulang na talagang nakikinig ka sa kanila. Huwag kaagad makipagtalo sa kanila. Nang sa gayon ay maging mas handa silang makinig sa iyo.

Habang kausap mo ang iyong mga magulang tungkol sa musika, maaari mong sabihin sa kanila ang positibong damdamin na naibibigay sa iyo ng musika at ang mga paraan na nakatutulong ito sa iyo sa iba’t ibang sitwasyon. Maaari mong talakayin kung paano makatutulong sa iyo ang musika na maramdaman ang Espiritu at kung paano mo maiiwasan ang musikang nagtataboy sa Espiritu.

Sa huli, siyempre, kailangan mong alalahanin na sila ay iyong mga magulang. Gawin ang lahat ng makakaya mo upang maigalang sila at maiwasan ang pagtatalo, kahit na sa palagay mo ay personal na pagpili naman ito. Kung gagawin mo ito, pagpapalain ka ng Panginoon.