“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Okt. 2022.
Masayang Bahagi
Sinaunang Propeta, Makabagong Propeta
Bagama’t isinilang sila na mahigit 2,500 taon ang pagitan, maraming pagkakatulad sina Pangulong Russell M. Nelson at Jeremias ng Lumang Tipan! Masasagot mo ba kung sino sa kanila ang gumawa ng mga ito? Sa bawat aytem, bilugan kung ito ay ginawa ni Pangulong Nelson, ni Jeremias, o pareho.
-
Naglingkod bilang propeta o apostol nang mahigit 40 taon
-
Naglingkod bilang propeta o apostol sa loob ng halos 40 taon
-
Nagsulat ng mahigit 100 mensahe sa kumperensya o mga kabanata ng Lumang Tipan
-
Nagsulat ng 50–100 mensahe sa kumperensya o mga kabanata ng Lumang Tipan
-
Nagturo sa mga tao tungkol sa pagtitipon ng Israel
-
Nakibahagi sa pakikidigma sa ibang bansa
-
Na-convert sa Simbahan
-
Nagkaroon ng isang anak na lalaki
-
Naging propeta sa loob ng pamumuno ng apat na iba’t ibang hari o pangulo sa kanyang bansa
-
Nakatulong na palakasin ang Simbahan sa Asia at Europa
-
Nagkaroon ng malalapit na kapamilya na hindi gaanong aktibo sa Simbahan
-
Nanirahan nang ilang panahon sa ibang bansa
Pag-alaala sa mga Yumao
Sa buong Latinong Amerika, ipinagdiriwang ng maraming tao ang “El Dia de Los Muertos” sa mga unang araw ng Nobyembre sa pamamagitan ng pag-alaala sa kanilang mga ninuno.
Ang isang masayang paraan upang maalala mo ang iyong mga ninuno ay sa pamamagitan ng pag-alam at pagbabahagi ng kanilang mga kuwento. Halimbawa, nalaman ni Thia na nawalan ng braso ang kanyang Lolo habang pinapatay ang isang leon na nanggugulo sa kanyang bayan sa Rhodesia noong dekada 1920.
Maaari kang magsimula sa pakikipag-usap sa iyong mga magulang o lolo’t lola tungkol sa mga kuwentong naaalala nila, o maaari kang mag-set up ng family history account sa FamilySearch.org. Kung may malalaman kang anumang masasayang kuwento tungkol sa iyong mga ninuno habang ginagawa mo ito, ipaalam sa amin sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org.
Palaisipan na Konstelasyon
Sa pahina 2, nalaman natin ang tungkol sa pagkahilig ni Laysa sa astronomiya. Mahahanap mo ba ang anim na konstelasyon na nasa kaliwa sa mga larawan ng mga bituin na nasa kanan? Hint: Hindi lahat ng ito ay nakaharap sa parehong direksyon!
Komiks
Mga Sagot
Sinaunang Propeta, Makabagong Propeta: 1. Jeremias 2. Pangulong Nelson 3. Pangulong Nelson 4. Jeremias 5. Pareho 6. Pareho 7. Pangulong Nelson 8. Pangulong Nelson 9. Jeremias 10. Pangulong Nelson 10. Pangulong Nelson 11. Pareho 12. Pareho Palaisipan na Konstelasyon: A. 3 B. 5 C. 6 D. 1 E. 4 F. 2