“Isang Bantay,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Okt. 2022.
Taludtod sa Taludtod
Isang Bantay
Nalaman ng propetang si Ezekiel ang tungkol sa isang tungkulin ng propeta.
salita ng Panginoon
Ang salita ng Panginoon ay dumarating sa mga propeta sa iba’t ibang paraan. Kung minsan, direktang nangungusap ang Panginoon sa kanila. Kung minsan, nagsusugo Siya ng mga anghel upang iparating ang Kanyang salita. Kadalasan, nangungusap Siya sa kanila sa pamamagitan ng marahan at banayad na tinig ng Banal na Espiritu.
bantay
Noong sinaunang panahon, isang bantay ang nakatayo sa ibabaw ng pader o tore at nagbabantay sa mga panganib na nagmumula sa malayo, tulad ng mga kaaway na paparating upang salakayin ang isang lungsod. Pagkatapos ay babalaan ng bantay ang mga tao upang makapaghanda sila.
Sinabi ng Panginoon kay Ezekiel na ang propeta ay tulad ng isang bantay na nakatayo sa isang tore. Dahil ang mga propeta ay may banal na tungkulin, nakahiwalay sila sa sanlibutan at nakikita nila ang mga bagay-bagay mula sa mas dakila o mas makalangit na pananaw. Nagbababala sila sa mga tao tungkol sa mga espirituwal na panganib.
sambahayan ni Israel
Kapag nagsasalita ang mga propeta ngayon tungkol sa sambahayan ni Israel, ang tinutukoy nila ay ang mga tao ng Panginoon, na nakipagtipan sa Kanya.
babala
Ang mga propeta ay nagbababala sa atin tungkol sa mga espirituwal na panganib upang makapaghanda tayo at mapalakas natin ang ating mga sarili laban sa mga ito. Ang mga propeta ay nananawagan sa atin na huwag gumawa ng kasalanan at nagbababala kung ano ang mangyayari kapag ginawa natin ito. Itinuturo nila sa atin ang mga katotohanan ng Diyos at ang Kanyang mga kautusan. Kung minsan, maaari nilang sabihin sa atin kung ano ang mangyayari sa hinaharap upang malaman natin kung ano ang paparating at makapaghanda tayo para rito. (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Propeta,” ChurchofJesusChrist.org/study/scriptures/gs?lang=tgl)