2022
Matinding Panlilinlang
Oktubre 2022


“Matinding Panlilinlang,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Okt. 2022.

Pakay-Aralin para sa Home Evening

Matinding Panlilinlang

Gamit ang ilang itlog, maituturo mo sa iyong pamilya at mga kaibigan ang tungkol sa katotohanan.

image alt text

I-download ang PDF

Ngayong umaga, napagpasiyahan mong kakain ka ng omelet. Ikaw ay bumangon sa higaan at naghiwa ng mga gulay. Pinainit mo ang kawali. Binasag mo ang itlog … at humagalpak ng tawa ang iyong nakababatang kapatid na lalaki.

Inulit mo na naman!” daing mo. Oo, naglaga siya ng ilang itlog at ibinalik niya ang mga ito sa lalagyan ng mga sariwang itlog. Paborito niya itong gawin. Kung may paraan lamang sana upang malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng mga sariwang itlog at ng mga nilagang itlog. Aba, ang kapakinabangan niyon ay halos katumbas ng kakayahang tukuyin kung alin ang “totoo” at “pekeng” impormasyon.

Oras na para sa pakay-aralin!

Ano ang Gagawin

  1. Magpakita ng ilang itlog, na may kahit isang nilagang itlog at isang hindi pa lutong itlog. Talakayin sa iyong pamilya ang problemang dulot ng lahat ng maling impormasyon sa mundo ngayon, lalo na sa internet.

  2. Ipaliwanag na sa lesson na ito, ang mga hindi pa lutong itlog ay kumakatawan sa katotohanan at ang mga nilagang itlog ay kumakatawan sa panlilinlang. Ngayon, itanong kung may makapagsasabi, sa pamamagitan lamang ng pagtingin, kung aling mga itlog ang luto na. (Marahil ay wala.)

  1. Panahon na upang ipakita ang kaibhang magagawa ng dagdag na kaalaman. Subukang paikutin ang bawat itlog sa harap mo. Paikutin ang mga ito nang patayo, tulad ng isang trumpo. Ang mga sariwang itlog ay babagsak kaagad, ngunit ang mga nilagang itlog ay tuluy-tuloy na iikot! Kapag nalaman mo ang simpleng katotohanang ito, hindi ka na malilinlang ulit.

  2. Ipaliwanag na magagabayan tayo ng mga banal na kasulatan, mga propeta, at Espiritu Santo sa iba pang mga katotohanan na makatutulong din sa pagtukoy ng mga panlilinlang sa lahat ng aspeto ng ating mga buhay. Kapag sinusunod mo ang mga kautusan at pinakikinggan mo ang Espiritu, malalaman mo ang “mga bagay kung ano talaga ang mga ito” (Jacob 4:13) at matutukoy mo ang katotohanan sa kalipunan ng mga panlilinlang. Tutulutan ka rin nitong pag-aralan ang “mga pinakamabubuting aklat” (at mahanap ang pinakamabubuting website, at source ng balita, at iba pa) sa buong buhay mo.