2022
Ang mga Pangalan ni Cristo
Disyembre 2022


“Ang mga Pangalan ni Cristo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2022.

Ang mga Pangalan ni Cristo

Ang Tagapagligtas ay binigyan ng maraming pangalan at titulo.

Narito ang ilan lamang sa mga pangalang iyon at kung ano ang iniisip ng mga kabataan sa buong mundo—mga kabataang katulad mo—tungkol sa mga ito:

Alpha at Omega

Tingnan sa Apocalipsis 1:8.

“Gusto ko ang Alpha at Omega dahil Siya ang simula at katapusan ng ating paglalakbay.”

Jesucristo

Ang Mabuting Pastol

Tingnan sa Juan 10:11–14.

“Hahanapin Niya ako at alam Niya kapag nawawala ako, at lagi Niya akong mamahalin.”

Jesucristo

Prinsipe ng Kapayapaan

Tingnan sa Isaias 9:6.

“Ipinapaalala nito sa akin kung gaano katahimik at kapayapa ang umawit sa Primary.”

“Maaaring magulo at maingay ang buhay, pero lagi Siyang nariyan para payapain ang bagyo.”

Photographic illustration of Jesus Christ healing the daughter of Jairus.   The image shows the figure (not the face) of Christ as he takes the young girl by the hand and assists her to rise from her sick bed.

Tagapagligtas

Tingnan sa Isaias 43:11.

“Dahil ipinapaalala nito sa akin na iniligtas Niya ako.”

“Ipinaalala sa akin ng Tagapagligtas na dahil sa pagmamahal Niya para sa ating lahat ay pumarito Siya sa lupa at nagsakripisyo para sa pagmamahal at pagsunod.”

Mang-aaliw at Tagapagligtas

Tingnan sa Mga Awit 144:2; Isaias 49:13.

“Inaaliw at inililigtas Niya tayo sa panahon ng personal na pagkaalipin.”

“Nadarama ko na tuwing nahihirapan ako, si Jesucristo ay laging naghihintay na bumaling ako sa Kanya.”

Si Jesus kasama ang mga disipulo sa daan patungong Emaus

Manunubos

Tingnan sa Isaias 47:4.

“Napakarami niyang ginagawa para tulungan ako.”

“Ang Kanyang pagmamahal at biyaya ay tumubos sa akin mula sa aking mga kasalanan.”

“Marami akong nagawang pagkakamali sa buhay ko, at alam kong matutubos Niya ako hangga’t nagsisisi ako.”

Jesucristo

Ilaw ng Sanlibutan

Tingnan sa Juan 8:12.

“Siya ay literal na liwanag na gumagabay sa buhay ko.”

si Jesucristo sa Getsemani

Taong Nagdurusa

Tingnan sa Isaias 53:3.

“Nauunawaan Niya tayo nang lubos. Ipinagpapasalamat ko iyan.”

“Hindi ako nag-iisa sa aking kalungkutan.”

“Talagang nauunawaan Niya ang pinagdaraanan ko.”

si Jesucristo na nagtuturo

Bato

Tingnan sa Deuteronomio 32:4.

“Siya ang aking bato dahil tuwing magulo ang buhay ko, maaari akong bumaling sa Kanya at hihikayatin Niya ako na magpatuloy sa buhay!”

“Tinutukoy ng bato ang kanyang suporta para sa atin at ipinapaalala sa akin na kung Siya ang aking pundasyon ay hindi ako babagsak.”

si Jesucristo na nagtuturo

Kanlungan

Tingnan sa Mga Awit 91:2.

“Siya ang aking kanlungan dahil Siya ang talagang kailangan ko.”

Hari ng mga Hari, Panginoon ng mga Panginoon

Tingnan sa Isaias 9:6.

“Balang-araw makikilala Siya ng lahat bilang Hari sa lahat ng bansa at tao.”

Diyos ng Israel

Tingnan sa 2 Samuel 23:3.

“Ang pangalang Israel ay palaging nagsisilbing paalala na hayaang manaig ang Diyos.”

Jesucristo

Emmanuel

Tingnan sa Isaias 1:18.

“Ang ibig sabihin nito ay ‘kasama natin ang Diyos,’ at nagdudulot iyan ng labis na kapayapaan at kapanatagan!”

Si Jesucristo na may marka ng pako sa mga kamay

Kordero ng Diyos

Tingnan sa Juan 1:29.

“Kordero ng Diyos. Kilala Niya ang bawat isa sa atin nang ganap at perpekto.”

si Jesus at ang Babaeng Samaritana sa tabi ng balon

Tagapayo

Tingnan sa Isaias 9:6.

“Alam ng mga tagapayo ang iyong mga alalahanin. Tinutulungan ka nilang madaig ang mga ito.”

Napakaganda

Tingnan sa Isaias 9:6.

“Siya ang dapat kong hangaan at sundin.”

si Jesus na may kasamang mga bata

Kaibigan

Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 93:45.

“Isang himala ang magkaroon ng gayong kaibigan na nagpapagaling at mapagbigay!”

“Alam ko na Siya ay Kaibigan ko. Ginagawa nitong mas madaling manalangin sa Kanyang pangalan.”

“Isa sa mga kahulugan ng kaibigan ay ‘isang taong kapareho mo ng pinapanigan,’ at gustung-gusto ko iyon!”