2022
Maglaan ng Oras para kay Cristo sa Pasko
Disyembre 2022


“Maglaan ng Oras para kay Cristo sa Pasko,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2021.

Panghuling Salita

Maglaan ng Oras para kay Cristo sa Pasko

Mula sa Brigham Young University devotional, Dis. 7, 2021.

panalangin

Mga paglalarawan ni Holly Jones

Napakagandang ipagdiwang ang pagsilang ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Kasama ninyo, pinatototohanan ko na Siya ang Anak ng Diyos.

mga banal na kasulatan

Maging matatag tayong lagi sa simpleng pananampalataya na Siya ang ipinahahayag natin na Siya: ang Lumikha, ang pinakahihintay na Mesiyas, ang Prinsipe ng Kapayapaan, ang Hari ng mga Hari, ang ating Tagapagligtas, at ating Manunubos.

Ang propeta ng Diyos, si Pangulong Russell M. Nelson, ay nagsumamo sa atin na “maglaan ng panahon para sa [Panginoon] sa inyong buhay—sa bawat araw.”1

templo

Naglalaan tayo ng panahon para sa Panginoon bawat araw at araw-araw kapag ginagawa nating bahagi ng bawat araw ang panalangin. Pinangangalagaan natin ang ating espiritu sa salita ng Panginoon sa mga banal na kasulatan. Nag-uukol tayo ng mas maraming oras para sa banal na templo. Ihanda natin ang ating sarili araw-araw upang magabayan tayo ng Panginoon sa pagtulong sa mga nangangailangan ng ating pansin at pagmamahal. Ang Kapaskuhan ay isang magandang panahon para patibayin ang mga gawi na ito sa ating buhay.

pagtulong

Binabasbasan ko kayo bilang Apostol ng Panginoong Jesucristo na kapag inihubog ninyo ang inyong mga gawi sa araw-araw upang isama ang Panginoon, madarama ninyo ang pagmamahal at pagsang-ayon ng Tagapagligtas. Binabasbasan ko kayo na kapag dinagdagan ninyo ang inyong mga pagsisikap mula ngayon hanggang Pasko, ang hangaring ipagpatuloy ang mga gawi na ito paglipas man ng Pasko ay mananatili sa inyo, at lalago ang inyong pag-unlad bilang isa sa mga disipulo ng Tagapagligtas.

si Jesus na may kasamang mga bata